Chapter 34

17.2K 510 92
                                    

"Claudia..."

She pretended she did not hear him and continue walking. Nasa mall siya kasi bibili siya ng mga kakailangan niya sa papalapit na trabaho niya.

"You're looking for a lab gown? It's on the third floor, there's also there's also laboratory gloves and PPE there." Pagsasalita ng katabi.

Tumango lang siya at binaba ang sunglasses mula sa ulo niya. She took the escalator, sumunod naman ang binata sa kanya, nasa sunod itong baitang nakatayo at sa mismong likuran niya.

"Uhm, may iba ka pa bang bibilhin?---"

"Are you working here? Tinalo mo pa ang sales man sa pag-i-endorse." Putol niya rito sabay lingon sa binata.

Kita niya kung paano tumingkad ang kulay pula sa pisngi at tenga nito.

"Uhm, no. I just want to accompany you."

"I don't need your company." She said flatly.

"Oo, hindi mo naman kailangan ang kompanya ko kasi hindi ka naman mahilig sa business."

Kumunot ang noo niya at inis na nilingon ito.

"Are you being sarcastic now?" Inis na anas niya dito.

Sa halip na mainis ay ngumiti pa ang binata sa kanya.

"Ang sungit naman ng scientist ko. Pa-kiss nga."

Her eyes widen on what he said.

"Hinx!" Sita niya rito. Initago na lang niya sa irap ang pamilyar na lumukob na emotion sa puso niya.

Hindi, Claudia. Hindi ka marupok. Dahil baka sa sunod na magmarupok ka semento na ang ipupukpok ni Ckim sa ulo ni Hinx.


Agad siyang napalingon sa binata ng maalalang hinampas pala ito ni Ckim ng buti kagabi. She held his shoulder and gently turn held his head. Nakita niya ang kunting sugat nito sa gilid ng noo.

"Damn, Ckim." She can't help to cursed her cousin.

"Masakit ba?" Tanong niya rito at tiningnan ng maigi kung malalim ba ang sugat nito.

Nakita niyang nagpipigil ng ngiti ang binata, doon niya napagtanto kung gaano sila kalapit.

Napatikhim nanlang siya at tumalikod dito para itago ang pamumula.


Buong durasyon na nakabuntot si Hinx sa paglilibot nila. He didn't seems bored at minsan nga ay tinutulungan pa siya nito sa pagpili. He's so attentive.


Kumuha siya ng dalawang nakahanger na dress, hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan na siya ng binata.

"Bagay sa 'yo ang pink."

Tumikwas ang kilay niya at napatingin sa dress na pink. It's like her old style, knee-length longsleeve dress. Napangiwi siya.

"I don't like wearing this kind of clothing anymore." Aniya at muling binalik at kinuha ang puting sweetheart fitted dress.

Hinx just sighed. Bakas ang pagtutol sa mukha nito pero hindi na umimimik.

Hinx insisted that he'll drive her home, ipapakuha na lang daw ang kotse niya. Dahil pagod na rin siya ay pumayag na siya sa kagustuhan nito. Siguro dahil ito na rin ang huli.

Nakatulog siya sa biyahe. Nagising lang siyang muli ng maramdaman niyang may humahaplos sa pisngi niya.

"W-we're here?" Naalimpungatang tanong niya.

Tumango ang binata. Lumabas na siya ng kotse nito. She waited for him to get his shopping bags. Nang matapos nitong kunin lahat sa backseat ay binigay nito sa kanya.


"Hinx." Tawag niya ng akmang aalis na ito.

"Yes?" Agad na sagot nito.

"I know what you are doing, itigil mo na..." Mahinang anas niya.

Fear consumed his eyes, ni hindi nga nito inabalang itago pa.

"N-no---"

"Please? It's better if we'll continue on our lives without each other. Hindi ako bumalik dito para sa 'yo, bumalik ako rito dahil sa gusto kong bayaran ang utang na loob ko kay Dr. Spade."

Napapikit ang binata at napatingala. He's holding the bridge of his nose as if stop himself from crying.

"Hindi, Claudia...bumalik ka para sa 'kin." Sambit nito. He's indenial on what she just said.

"Hinx, wala ng tayo. Hinayaan kitang gantihan ako, nasaktan ako, nakabawi ka na. Tapos na, tapos na kung anong meron sa 'tin dalawa---"

"No! Don't say that, please." His voice broke, he sounds begging.

Tila may kumurot sa dibdib niya sa pagmamakaawa ng binata. Tulad ng mga mata nito may nagbabanta rin luha ang mata niya.

Akala niya okay na siya. Pero hindi pa pala...Hangga't naroon ang sakit, naroon pa rin ang pagmamahal.

Umiling siya at tumalikod.


"Hinding-hindi kita titigilan, Claudia. Hindi kita titigilan hanggang sa magsawa ka sa pangungulit ko at babagsak na na naman sa 'kin. Sa 'kin pa rin ang bagsak mo, Claudia..."


















"KINDLY pass me the ethanol." Suyniya kay  Dinzy, isa sa mga nagtatrabaho sa Benjamin Laboratory, pero inunahan ito ni Hinx. Si Hinx ang kumuha ng ethanol at inabot nito sa kanya.

He's really stubborn. Sunod ng sunod kahit saan siya magpunta.

"That's water, Hinx. Read the label." Aniya sabay abot nito pabalik ang flask.

"Sorry. Mabuti pa 'to may label, tayo when kaya magkaroon ulit?" Pasimpleng banat nito.

Inirapan niya ito at patuloy sa trabaho niya. This time ethanol na ang binigay nito.

"So, it's effective?" Tanong ni Dr. Spade.

She's working on her research na matagal na niyang inaasam. Effective iyon sa daga na ginamit pero hindi niya alam kung epektibo ba sa tao.


"Based on the conclusion, yes. The antidote can make you forget years of your life, tho it didn't meet my hypothesis that you'll forget your life in the span of 5 years. But according to the result ay naging 7-8 years. Hindi pa sure kung effective sa tao, the side effects is still unknown if it's not effective on human. Wala naman sigurong mangahas na na magboluntaryo para inumin ang antidote." Anas niya habang nakatingin sa kulay blue na antidote. It seems like glowing.

"So for example I'll intake that antidote of yours, right now it's 2022 so I'll forget my memories in span of 2022 to 2015?" Hangang tanong nito.

Tumango siya.

"Yes."

"Wow, very impressive, Claudia." Puri sa kanya ni Dr. Spade.

Napangiti siya. Matagal na kasi niyang tinatrabaho 'yun. It took her five years to finish that research, iyon rin ang dati pa niyang gustong ma-approved but hindi pa pwede kasi dapat ma-try niya sa tao.

Muli siyang tumingin sa antidote pero ganoon na lamang ang gulat niya ng wala ng laman 'yun. Kasabay 'nun ang pagbulagta ni Hinx sa sahig.


"Hinx!" She screamed in fear.

Hinx drank her antidote. And it's either it's effective on him or fatally dangerous.

Scientist' Clandestine Affair (4th Gen #13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon