Hinx Elliot Benjamin

17.9K 444 12
                                    

"Do you not like me anymore?" Nakangusong tanong ng babaeng nakalimutan niya ang pangalan.

He just shrugged and left her. It's already noon, tapos na ang umaga it means tapos na rin siyang makipaglandian dito.

"Plano mo bang ubusin lahat ng babae sa Benj U at tatlong babae talaga sa isang araw?" Nakangising tanong ni Helix sa kanya.

"Oh, shut up. Inggit ka lang kasi hindi ka makalandi." Pang-aasar niya rito.

He was talking about the girl who's madly inlove with Helix. Tinatakot nito ang mga babaeng tangkang lapitan ang pinsan.

Nasa hallway sila, nagsigilid naman ang mga estudyante para makadaan sila ni Helix. They didn't say it loud but their aura is enough to make way for them.

His brow furrowed when a girl was busy reading her book going on his way. Hindi ito nakatingin sa dinaraanan kaya nagsagi ang balikat nila dahilan para malaglag ang libro nito.

"Sorry!" The girl apologized and pick the book and continue walking without even looking at him.

Napatingin siya sa papalayong bulto nito. Is she a new girl? Bakit ngayon lang niya napansin?

She's doesn't look nerd on her clothing. Bagay dito ang mga sinuot nitong damit. She was like an angel, or a modern day mestisa.

"Hey, stop staring at her." Sita ni Helix sa kanya.

Hindi niya napansin na napatigil na pala siya sa paglalakad.

"Who's that?" He asked Helix.

Ngumisi ito sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.

"Huwag ka ng magtanong. She's out of your league and vice versa. Malalagot ka kay Tito Ace at Tito Spade kapag ginalaw mo 'yun." Sabi ni Helix.

His brow furrowed. What does he mean by that?

"Why, who's she?" Tanong niya rito.

"You really don't know her? She's our famous young noble scientist, Claudia Fortessa."

Nagulat siya sa sinabi nito. He heard her name already, pero hindi niya alam na ganoon pala ang itsura nito. He automatically assumed that Cluadia doesn't comb her hair, wear baggy clothes and has a big round glasses and braces, like a typical nerd but upon seeing her up close malayong-malayo sa inaakala niya. She smells nice too.

Sumeryoso ang mukha ni Helix ng makitang napaisip siya.

"Hinx, just drop it. You'll be her downfall if you pursue her. Maghanap ka na lang ng iba." Anito.

Her greatest downfall? But why does it smell like his downfall?

Stop it, Hinx. Nakulangan ka lang sa pambababae.

He kiss back the woman who kissed him suddenly. Gusto niyang mawala sa isip niya si Claudia kaya tinuon na lang niya sa iba ang atensyon niya.

"Claudia.." That suddenly slip from his mouth.

Natigilan ang babae sa paghalik sa kanya. Unti-unti itong dumistansya, akala niya magagalit ito pero tinawanan lang siya.

Agad na kumunot ang noo niya.

"Claudia? Really, Hinx? So, you're fantasizing that scientist now. Impossible, she's not even your type." Natatawang saad nito.

Napailing na lang siya at iniwan ang babae.

Sa mga sumunod na araw ay tila wala siya sa sarili. He just found himself following her secretly, not minding he's cutting classes.

She love reading books and she's always curious. Nang magkainteres siya kay Claudia ay nanonoodsiya sa mga interviews nito at palaging sinasampal sa kanya ang katotohanang imposible talagang papatulan siya nito.

Scientist' Clandestine Affair (4th Gen #13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon