Chapter 43

243 7 0
                                    

Too astounded with the result I refreshed the website like crazy. Weird pero naghintay talaga akong may lumabas na mali pala yung na-post nila. I couldn't even digest the idea that we placed on the same spot, at lalo yung nag-top pa rin kami kahit halos cramming lang ginawa namin noong review season.


"Baby, kain na. Hindi na yan magbabago," nakatitig pa rin siya sa akin, pinagmamasdan ako na parang mas masaya pa siyang panuorin ako kaysa sagutin yung mga tawag ng mga kapatid niya.


"Top ten tayo parehas," ulit kong sinabi. "Can you believe it?"


"I can. We study hard and smart," it sounded casual. Bakit ba imbes na mayabangan ako ay ang lakas ng dating sa akin nang pagkasabi niya.


"Ten din si Lance," sabi ko. "Grabe si Louisse at Gerard, wala man lang nagpatalo sa kanila."


"Hindi ba yun naman yung aim ni Lou?


"Yeah," ginilid ko na yung laptop. My cellphone rang like non-stop. Kukunin ko pa lang ay kinuha na niya sa akin.


"Hayaan mo muna sila. Kumain muna tayo," agap niya. "Isang oras mong tinitigan yung website, baka kapag sumagot ka ng tawag nila ilang oras din. Kain muna."


"Okay," I  muffled. Tinitigan ko siya, pinapanuod ko siyang pagsilbihan ako. "I'm so proud you."


"I'm so proud of you, too," he was quick to reply. "Anong gusto mong ulam?"


"Adobo," sagot ko. "Nagkatotoo yung panaginip mo."


"Right," he smiled. Tumayo siya at may kinuha sa ref. It was a bottle of red wine.


"You really assumed, huh?"


"Well, my confidence of you is so high that I even entrust you with my life," he smirked playfully.  


"Anong sabi nila Kuya Jayce?" iniba ko yung usapan dahil alam kong bobolahin lang ako ng mokong na 'to.


"Hindi ko alam," aniya.


"Huh? Diba sila yung tumawag sa iyo?"


He shrugged his shoulder. "Hindi ko masyadong narinig, nakatitig ako sa iyo."


Napaawang yung bunganga ko. "Malala kana, Jus. Yung tenga ginagamit sa pakikinig hindi yung mata."


"Selective hearing and sense of sight kung ikaw kaharap ko, siyempre nasa iyo yung focus ko," natawa siya noong umirap ako.


"Ano nga?"


"Nag-congrats lang," sa wakas sumagot din nang matino si mokong. "Ano daw gusto nating regalo, share daw silang apat. Mga kuripot."


I laughed. "Then, let's ask something expensive."


"Condo?" he chuckled. "Oh, not that, money?"


I knew that he was just kidding, pero tawang-tawa ako sa expression ng mukha niya.


Pagdating namin ng bahay ay may surprise party na hinanda yung parents namin. Kaya pala pinipilit nila kaming umuwi na, kung maari ay gusto ko munang magpahinga kaso may pa-tampo effect pa si mommy.


"Congrats," one of my ninang went to my table with Justine and my brothers. "Oh, sa kasal mo 'wag mo akong kakalimutang kunin ha?"


"Oo, mare, kukunin ka niya," si mommy yung sumagot dahil naabutan niya yung ninang kong paalis na. "Siguro mga early next year."


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now