Chapter 55

428 11 0
                                    

Noong nagising ako kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko, I couldn't translate my sudden rush of emotions to why I felt bad that he didn't wait for me to wake up.


"Morning," he smiled, dahil ata sa pag-iisip masyado ay hindi ko halos namalayan na nasa harap ko na siya. He was changing to a polo shirt, naka-pants na siya pero nakita ko pa nang kaunti yung abs niya. I mentally rolled my eyes.


"Morning," I murmured. Tumayo na ako dumiretso sa bathroom. Pulang-pula ako sa kahihiyan na sa katawan niya talaga napako agad yung mata ko.


Isang oras halos mahigit tuloy na nagbabad ako. Paglabas ko ay dumiretso na ako at inayos yung luggage ko. Isa lang naman.


"Aalis kana?" naka-upo siya sa gilid ng kama ko.


"Yeah, I have shoots," I didn't glance at his  side.


"Pwedeng sumama?"


"Anong gagawin mo doon?"


"I just want to see what's your life in NYC, I basically know your routine here in LA," he answered. "Can I? Please."


"Bahala ka, my flight is at 1."


"I'll just book another tickets for us," he smiled. Nagkunwari pa siyang nag-aayos ng luggage niya, kahit kagabi lang naman siya nakarating ng LA.


We could be friends again, right? I could use a hand for my shoots, lalo wala yung isang PA ko. Pero tinamaan din ako ng hiya kalaunan.


"Aalis kayo?" bungad na tanong ni Chloe noong lumabas kami ng kwarto ng sabay ay may dalang maleta.


Tumango ako, pero hinila niya ako agad kaya tinuro ko kay Jus na manguha na ng taxi.


"What's with the change of mood? Akala ko ba wala na ha?! Don't tell me you had sex last night then it changed everything now," she was even grinning.


"Ewan ko sa iyo," umirap ako agad. "Sobrang miss mo na ba si Kuya Chester at ano-ano na lang naiisip mo?!"


"Shut up, I've moved on," she even had the audacity to roll her eyes on me too.


"So do I," I mumbled.


"Okay, kunyari naniniwala ako," iniwan niya ako at pinuntahan yung anak niya.


Halos hapon na noong nakarating kami sa apartment ko. Palinga-linga siya sa loob.


"So here it is," I shyly said. He nodded, then his eyes roamed around.


"It's nice, malapit lang si Wendy dito?"


"One floor above," naglakad na ako. Nakasunod naman siya.


I was about to open my room when realizations hit me, dalawa lang pala ang kwarto sa apartment ko, at isa doon ay walk-in closet ko pa.


He opened that door. "Oh, damit mo lahat? Mag-isa mo lang ba dito?"


"Hindi na kasi ako nagpa-renovate, lagi naman akong nasa LA kapag wala akong trabaho. So yang spare ginawa ko na lang na closet," sagot ko. "Yung PA ko tsaka glam team provided ng company, so may sarli silang accommodation. Dito din, halos katabi lang noong kay Wendy."


"Just stay in my room, papakuha na lang ako mamaya ng extra foam sa PA ko," sabi ko. Tumango naman siya, dumiretso ako ng banyo para makaligo.


"Ligo kana," utos ko, habang nagblo-blower ng buhok. "Let's just go to Wendy's apartment for dinner."


"Okay," he smiled. Halos atakihin ako sa lalim ng tingin niya, my heart hammered against my chest restlessly.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now