Epilogue 2

271 10 0
                                    

Sa takot kong maging magkasundo sila ay binabalita ko sa mga kapatid namin ang mga paraan ng pagtitig ni Flynn kay Trix.


"Mukhang crush din ni Trix eh," bulong ko.


"What? How can you say that? She's only what, fourteen? Turning fifteen in months, hindi niya pa alam yan! Bantayan mo kasi!" 'yon 'yong utos ng kapatid niya.


Noong naka-uwi na 'yong mga kapatid niya ay iba na 'yong titig na ginawad ng mga kapatid ko.


"Gago ka, Jus," may pagsindak pa si Kuya Jaiden. "Don't tell me type mo 'yong best friend mo?!"


"Hindi ah!"


Kuya Jayce watched me keenly. "Tangina ka! Parang kapatid mo na 'yon!"


"Hindi nga sabi eh!" napatayo pa ako, aakmang iiwan na sila at ang usapan namin.


"Gago! Kung gusto mo pala bakit iba-ibang babae ang dine-date mo?! Tangina ka, mag-ingat kang hindi ka mabuking nila Tanner at Tyler. Wala kang lusot sa dalawang 'yon," napapa-iling pa ang nakakatandang kapatid ko.


Kuya Jaiden deeply sighed. "Gago ka! Kapatid mo na 'yon!"


"Kapatid? Bakit Samonte ba siya? Villamora ba tayo?!" nagkalakas ako ng loob na sumagot. Naka-ilang tawag na sila ng gago sa akin. Kapag narito si Trix ay malamang pinag-tanggol na ako ng manhid na babaeng 'yon.


"Gago, hindi ganoon. Sabay kayong pinalaki, paano mo nagustuhan ng ganoon 'yon? Tingin mo ba magugustuhan ka niya? For all we know, kapatid lang din turing ni Trixie sa iyo! Itigil mo yan, problema lang hinahanap mo," sumbat muli ni Kuya Jaiden.


"You talked as if we share the same blood line. Hindi incest!"


Kuya Jayce groaned. "Sige, sabihin mo yan sa kanya, tignan natin kung hindi ka mawalan ng best friend. Tigilan mo na! Baka malaman pa yan nila mommy! She may not be a Samonte, but we treat her as one!"


Too frustrated, I glared at them. "Oh, watch me turn her to be a Samonte. A real one. Walang makakapigil sa akin. Humahanap lang ako ng tiyempo!"


"Sige nga, subukan mo! Tignan natin kung hindi mo 'yan pagsisihan," bulong ni Kuya Jaiden.


Sa mga sumunod na araw ay talagang sumubok ako. Laging bigo.


"That's weird," she commented. My brothers watched me intently, nanonood kami ng movie na nagkagusto nga 'yong isa sa kaibigan niya. "That's like incest right, Kuya?" tinignan niya pa si Kuya Jaiden.


I sighed, wala ata talaga. Sa mga nagdaang linggo ay sumubok pa rin ako, bigo pa rin. I even gave her flowers, 'yong favorite niya. Pero sinabihan lang ako na baka may nagawa ako kaya ganoon. I laid all my cards, she stepped on them like it's nothing.


Sa kagustuhan kong ibaon ang lahat sa limot ay balik ulit ako sa gawi ko. I dated behind her back, hindi pwedeng sa harap niya dahil isusumbong niya ako sa mommy ko, dating made me feel quickly happy, pero hindi nagtatagal.


Mas masaya akong kasama siya, kahit pagkakaibigan lang. Sa tuwing may kasama ako ay siya at siya lang ang tumatakbo sa isip ko. How frustrating it can get!


"Jake Justine!" she shouted loudly, naglalaro ako sa computer ko, napatingin ako sa kanya sa pinto. My little devil is here already.


"Sabi mo ten am aalis na tayo! Do you even know the time? Alas dose na! Ugh!" lumapit siya sa akin.


Nakapatong pa 'yong mga kamay niya sa ibabang bewang niya, tila maghahamon ng ayaw ang isang 'to.


I moved my gaming chair a little backwards, nakangiti ako kasi lalong maasar 'to kapag ginatungan ko pa. She sat in between my legs, ganito kami kalapit sa isa't-isa, at tiyak kong wala lang sa kanya ang ganito.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now