Epilogue 1

541 10 0
                                    

Born just two months apart, since then she's been with me. From learning how to read, write and do things on our own, we did it all together.


I remembered my mom saying after Trix's had a bad fall in their subdivision's playground while we were playing.


"You should have protected her," mom's hands were even on her waist, shouting at me loudly. Parang kasalanan ko pang nasugatan si Trix kahit yung isang kalaro namin ang tumulak sa kanya.


For a moment I had this annoyance in my face, magka-edad lang naman kami, pero kung ituring siya ng mga magulang ko ay siya ang anak.


At six that was weird to explain. Yes, she's a fragile little girl, pero ako rin naman ay bata. Kasama rin naman namin yung mga yaya namin.


But my hatred about the situation suddenly vanished when she followed me in my room.


"Jus," she called me cutely. Nagamot na yung tuhod niya, halos kaonting gasgas lang pero nag-panic agad sila.


Dumiretso ako sa kama at umupo, sumunod naman siya. Lumapit siya at hinawakan yung siko ko.


"You didn't tell them that you're injured, too," she said softly, malambing lagi ang boses niya. Huminga ako ng malalim. She's pouting cutely, she even had this fake curl hair headband on.


Hindi kami pinalaki na mag-isip ng parang bata, we were enrolled in an exclusive school here in Alabang at the age of four. Since then, we even take our class seriously.


Nilayo ko yung siko ko, na nasugatan noong tumakbo ako para agad siyang puntahan, nasabit pa ata yung t-shirt ko sa alambre nung swing. May kaonti akong gasgas, pero dahil sa kaba kong mapagalitan kanina ay pinuntahan ko siya agad.


"Are you mad at me?" her eyes were starting to shed a tear. Umiling ako, pero noong hindi ako nagsalita ay umiyak siya ng todo. Halos mataranta akong marinig na naman siya ng mga magulang at kapatid ko at tiyak kong sermon ang abot ko.


"Galit ka eh!" sigaw niya pa. I can't believe natitiis ko yung kaartehan niya minsan. Masigawan lang siya o hindi mapansin ay idadaan niya sa iyak.


"No, I'm not mad," I stood up and got her a roll of tissue. Sakto namang pumasok sa kwarto ko yung mga Kuya naming umuwi pa ata galing sa klase nila noong nabalitan ang nangyari.


"Justine! Why are you making her cry?!" Kuya Jayce's voice thundered inside my room.


Agad siyang dinaluhan ng mga Kuya ko at yung dalawa pa niyang kapatid.


"You okay, baby?" Kuya Tanner asked her while wiping her tears with the tissue that I gave.


"Anong ginawa mo?" tanong ni Kuya Jaiden sa akin, kahit mga kapatid ko ay madali niyang napapasunod.


"I didn't do any," I defended myself.


"Paano siya nasugatan kung ganoon?" tanong ng kapatid niyang si Kuya Tyler.


"We were playing, nasa swing kami tapos tumakbo siya sa slide, kaso naitulak siya nung bata," sagot ko. "Her yaya was busy talking to my yaya. It's not my fault at all!"


"You should have followed her!" Kuya Jayce didn't even blink when he uttered those words. Lalong umiyak si Trix, siguro dahil malakas na ang boses ng mga kapatid namin.


"Stop shouting at Jus! He had a scratch, too!" Trix shouted at them. Nagulat sila. One thing is always for sure. Kampihan man siya ng lahat, sa dulo kapag ako na ang pinapagalitan ako ang kakampihan niya.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now