Chapter 49

241 9 0
                                    

Dahil natapos ko na yung specialty exam ay may ilang araw akong pahinga bago yung fellowship.


"Gusto mong lumabas ng bansa?" tanong ni Justine noong nagpang-abot kami sa kusina. Halos kagagaling lang niya sa gym.


"Saan?"


"You choose," he gave me the towel so I could wipe his sweat.


"Makakapag-leave ka ba?"


"Pwede naman, saan mo gusto?"


"Iceland? Okay lang Nakapag-apply ako ng visa natin dati?"


Tumango siya. That same day I booked our flight.


The long-haul of travel time exhausted my spirit to enjoy our first day. Halos hilain na ako ng antok unang tapak pa lang namin sa hotel.


"Saan tayo?" tanong ko noong natapos kami ng agahan.


Ngumisi siya at hinila ako agad. Bago pa ako makapagprotesta ay kinulong na niya sa malalalim niyang halik. Noong mga nakarang linggo ay tila pinaghahandaan na niya yung pagkakaroon namin ng anak. He even started the construction of our house, kay Dom at Gerard ko pa yun nalaman.


"Fertile ka, diba?" tanong niya noong umalis siya sa ibabaw ko. "Dapat pala nag-calendar method na lang tayo dati, tagal tuloy ng effect nung shot mo. Magdalawang taon ka nang hindi gumagamit may effect pa din?"


"Tara sa lagoon ngayon?" sinubukan kong ibahin yung usapan.


"Later," his hand gripped on my waist sensually. "Have you tried testing?"


"Northern lights kasama sa tour?"


"If wala pa tayo mabuo this month, gusto mong magpacheck-up sa US?" dire-diretsong sabi niya.


"Snaefellsjokull National Park ba yung journey to center of the Earth?" bigla kong tinanong. "I want to see the Seljalandsfoss watefalls, too."


"Okay, we'll go there," he sighed. "Lover, can we get checked?"


"For what?"


"I got myself checked already. Okay naman yung count ko, lahat ng hormone results ko normal," bigla niyang sabi. My jaw dropped with his revelation. I dropped the topic by making love with him.


We enjoyed our one-week stay in Iceland, buong stay namin doon sinabi niya yung mga plano niyang akala ko limot ko na.


"Nag-preg test kana?" bungad niya noong paalis na siya ng condo at ako naman ay kakauwi lang galing sa duty. Umiling ako.


Dahil may tumawag sa kanya ay umalis na rin siya agad. At dahil ata sa stress ko sa kanya ay delayed yung period ko ng dalawang linggo.


"Do my shot," I said immediately to Chlo, nakalagay pa sa bunganga niya yung chicken, agad akong umupo sa kama niya sa on-call room.


"Yes, good morning, Trix," she mocked me, then handed me the bucket of chicken. "Garabeng bungad yan. Wait, mag-preg test ka muna. May kit sa drawer ko."


"Tapos na, sa condo kanina."


"Repeat, gusto ko makita, masisi pa ako ni Justine kapag buntis ka pala," may pamimilit pa sa tono ng boses niya.


"See, negative. Do my shot already," I begged her. Hindi ko kayang napaparanoid lagi kapag delayed yung dalaw ko.


"I thought you'll try? Sabi ni Jus. Kaya hindi ka nagpapashot kasi sumusubok kayo," sabi niya.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now