Chapter 4

316 17 0
                                    

Noong umaga ay pumasok pa kami sa klase ni Flynn, pero dahil wala naman na talagang gagawin, noong nag-iwan lang ng activity yung teacher ay lumabas kami ng kwarto at pumunta sa garden at doon ginawa yung activity.


I heard Clea say that Justine had the bad type of flu, kaya masakit pa rin daw yung katawan at hindi makapasok. Noong naglalakad kami sa hallway para i-pass yung papers namin ay narinig namin na tapos na daw yung deliberation ng grades.


"Congrats," Flynn smiled. "Grabe, salutatorian ka, top 3 lang ako, nakakahiya naman."


I gave him a soft smile and congratulated him, still. Naglunch muna kami sa mall tapos nagpalit para pumunta na ng Enchanted. Si Kuya Jared, yung driver ko ay kanina pa nakatingin kay Flynn na katabi ko lang sa likod ng kotse. Flynn was so talkative, ganun din naman si Justine, pero ngayon for a weird reason naiirita ako.


It's around afternoon when we arrived at Enchanted Kingdom. For the first part of our date, we tried the anchor's away and jungle log jam, he's fun to be with, kasama din namin si Kuya Jared sa lahat ng rides, hindi naman din nagrereklamo si Flynn na may kasama kami.


"Do you wanna try disk-o-magic?" he asked, clueless with what he was referring to, he pointed it for me. Tumango na lang ako noong naalala kong natry na namin yun ni Jus.


Habang nakapila hindi ko matapos isipin kung kamusta na siya, naiinis man ako at nagtatampo na bakit si Clea sinabihan niya pero mas nangibabaw na nag-aalala ako sa kanya.


"That was fun, right?" Flynn smiled after we rode that disk-o-magic. It would have been fun if Justine was with me, siguro kanina pa ako tumatawa sa pang-aasar niya.


"Yun gusto mo?" tanong niya ulit habang papalapit kami sa isang ride.


"What's that?" hindi ko halos makita sa dami ng tao.


"Flying fiesta," he answered then opened the bottled water for me. "Safe naman yan, gusto mo?"


"Okay lang," sabi ko sabay tingin kay Kuya Jared na parang mahihimatay na sa hilo.


"Kuya, upo ka muna. Safe naman ata. I won't tell mommy na iniwan mo ako."


Umiling siya. "Hindi, ma'am. Okay lang ako, okay pa naman."


After riding the flying fiesta, hinila naman ako ni Flynn sa space shuttle, pero awang-awa na ako kay Kuya Jared.


"After this, tigil muna tayo, Flynn."


"Okay," sagot niya. "Kain muna tayo."


After few minutes of resting, naging okay naman na yung driver ko, he was apologetic at first, pero parang feeling ko nga mas gusto ko pang maupo na lang. I got no energy and fun to enjoy every ride, iba yung pakiramdam ko, I went here with him before kaya siguro parang kinukompara ko.


"Gusto mong maglaser mission?" tanong niya, agad akong umiling, Justine and I tried that before pero sumakit lang yung mata ko. "Eh, kart?"


Tumango na lang ako. "Tara."


Sinubukan pa namin halos lahat ng rides, kahit yung mga pambata. Tapos noong pahapon na ay niyaya niya ako sa rio grande, noong una ay tumanggi ako, pero nakonsensya akong sumimangot siya.


We all got wet, kaya sinubukan namin yung drier sa gilid. Pero ilang minuto lang at binigyan ako ni Kuya Jared ng t-shirt, bumili pala siya.


Kumain muna kami bago namin pinuntahan yung huling rides na gusto niya. Medyo gabi na noong sumakay kami sa drop tower, habang inaakyat kami ay kitang-kita na yung ilaw ng syudad, the city lights always amaze me, kaya lagi kong sinasabi kay Justine dati na parang ang gandang tumira sa mataas na lugar.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now