Nauna akong nakarating sa kanya sa condo, maluwang naman yung kwarto namin, tinulungan ako ni Kuya Jared halos sa mga bubuhatin, fully furnished yung condo kaya wala na halos kailangang dalhin o ayusin.
Halos nauna pa ngang dumating si Louisse at Gerard kaysa sa kanya, noong dumating siya ay tapos ko na halos, maleta lang niya yung dala niya.
"Trix, uuwi ka pa ba? Tumawag kasi ang mommy mo wala daw driver na available," biglang sabi ni Kuya Jared.
"Uuwi ka pa ba?" tinanong ko si Justine na nag-aayos sa damitan niya.
"Oo, may naiwan pa ako doon," sagot niya.
"Pahintay na lang sa labas, Kuya, magpaalam lang ako kay Chloe," lumabas ako ng kwarto matapos kong makuha yung sling bag ko.
"Clo, una na ako ha," niyakap ko siya.
"Okay ka lang?" tanong niya. Nangingilid na yung luha ko, pero nagawa ko pang tumango.
"Okay ka lang, Trix?" tanong ni Kuya Jared habang tinatahak namin yung traffic ng Pasay. Mula noong nakaalis kami ng condo ay tuloy-tuloy na yung bagsak ng luha ko.
"Wag mo lang mababanggit kila mommy, Kuya," halos may sinok na sa pagsasalita ko.
"Sige, ano man 'yan mag-usap kayo," may dalamhati pa sa tono ng pananalita niya.
Noong nagsimula na yung clerkship halos hindi kami nagpapang-abot sa condo, tuwing duty ako ay galing siyang 36-hours na duty kaya diresto uwi siya at tulog lang naman aatupagin niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Lance noong nakasalubong ko siya sa hallway ng Surgery department.
Sa ilang buwan na nag-daan ilang beses na akong natanong ng ganyan. Walang tamang sagot para sa akin, hindi ko alam kung ano ba pa yung nararamdaman ko.
"Yeah, you?"
"Okay naman, toxic lang," napakamot siya sa batok niya. "If you need help with anything, maybe I can help?"
I smiled, genuinely. "Okay lang ako."
"Kumain kana?"
Right, when was the last time I had a proper meal anyway? Sa condo tuwing from duty ako ay fast food ang pagkain ko. Sa duty halos hindi kami nakakain kasi toxic.
I can't even remember the last time I ate with someone. Sa condo lagi akong mag-isa, tuwing off ni Louisse ay pupunta siya sa condo ni Gerard sa QC, si Chloe naman ay susunduin ni Kuya Chester para sa Taguig sila. For months I felt alone and lonely.
Umiling ako. "Baka mamaya, hahatid ko pa kasi 'to sa laboratory eh," pinakita ko yung extracted blood na ni-request ng lab sa NICU, hindi daw kasi makuhan ng medtech kaya yung residente yung nag-extract at ako yung nautusang maghatid.
"Samahan na kita," nakangiting sabi niya. "Toxic sa pedia?"
"Medyo, sa NICU ako ngayon," ngumiti ako. "Sa surgery ba? Sabi ni Louisse sa GC namin ang toxic daw."
"Yeah. Sobra," natawa siya. "Gagapang na nga ata ako."
"Anong duty ni Louisse?"
"Nakipagpalit siya eh, siguro bukas?"
"Pupunta siya kay Gerard," hindi yun tanong dahil halata naman na 'yun ang dahilan, siya 'yung nag-aadjust sa kanilang dalawa dahil strikto yung taga-gawa ng sched kila Gerard.
![](https://img.wattpad.com/cover/298058192-288-k989977.jpg)
YOU ARE READING
The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETED
RomanceTrixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitment for her. Will it secure her or will it destroy her?