Chapter 47

247 10 0
                                    

We also had an after party, dahil sobrang sakit na ng paa ko ay hindi na niya ako napilit na sumayaw at kausapin yung ibang mga bisita. Our mothers had this wedding planned, so sila na rin dapat bahala sa mga bisita!


"Tara na," patayo na ako noong sinabi ko yun.


He grinned. "Okay," he held my hand, his smile was meaningful, at sa tagal na namin alam ko na agad nasa isip niya.


When we entered our suite, no seconds passed he pinned me immediately against the door, his lips captured mine like a prisoner.


Noong pinakawalan niya yung mga labi ko ay naglakad na ako, I motioned my back for him to unzip, he smirked yet followed me still.


Noong hahalikan niya ako ulit ay tinulak ko siya, hindi naman niya natuunan ng pansin yung ginawa ko kasi may tumawag sa kanya.


I took my time to take a bath, then wore a pair of my satin night sleepwear after. Nagpantulog na ako para diretso higa na pagdating sa condo.


Matagal yung naging usapan nila noong tumawag. Inayos ko na lang yung mga gamit namin. Dumaan din sila Kuya Lando sa kwarto at pina-uwi ko na sa condo yung ibang mga gamit.


"Maliligo ka pa ba?"


His side lips angled into amusement. "Excited yan?"


"Para makatulog pa tayo, ligo na kung maliligo ka," utos ko. "Dalian mo, maaga ako bukas."


His shoulder lowered down like he had a failed day. "Maaga bukas? Saan ba tayo mag-honeymoon? Ilocos o mag-out of the country tayo?"


"What? May duty ako bukas ng 6 am kaya uuwi tayo ng Taguig ngayon."


"What?! Wala tayong honeymoon? Hindi ka ba naka-leave? The fuck, may isang buwan akong leave!"


"Nag-leave ka?" tinutulak ko pa rin siya sa banyo.


"What the fuck, bakit hindi mo ako sinabihan? Nakapag-leave ka para sa bachelorette mo tapos honeymoon hindi?! I'll call, Louisse," he walked passed me and got his phone on the vanity table.


"She's not answering!" he was so frustrated, pumunta na lang ako sa kama at umupo.


"I can just leave you here, kung gusto mo. Pabalik na rin naman sila Dom sa Taguig, inaantok na rin ako," sabi ko. Matalim niya akong tinignan.


"You're unbelievable," he got his suit. Kinuha na niya yung natirang mga gamit. "Tara na."


"I thought you knew," I murmured when we were inside the elevator.


"How would I? Nagkita ba tayo ng isang linggo? Hindi ka nga sumasagot noong nasa Vegas ka," tahimik na sabi niya.


"Anong gagawin mo ng isang buwan niyan?"


"Kailan ka ba pwedeng mag-off?"


"Panay from-duty lang yung off ko niyan," lumapit ako at nilagay sa bewang niya yung kamay ko. "Baby... sorry," malambing na bulong ko.


"Have you tried filing?"


"Manganganak na kasi yung mga naka-leave, yung pagpunta namin sa Vegas ginawan lang ng paraan ni Louisse," halos manghina ako sa talas ng titig niya. Napabitaw tuloy ako sa pagkakahawak sa kanya.


"She owns the hospital, for sure she can fix your sched," he flat-out uttered.


"Nakakahiya nga. Alam mo namang strict yung training officer eh," ngumuso ako. "Malapit naman na tayong mag-second year, baka gumaan na."


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now