Chapter 8

302 10 0
                                    

Our first year was our adjustment period, may mga araw na nagkakatampuhan kami, at mga araw na nagkakapikunan kami, pero hindi siya pumapayag na lilipas yung araw na hindi kami nagiging okay.


"Sorry na," may pagsamo sa boses niya. "Nawala sa isip kong naghihintay ka, sobrang seryoso ni coach sa practice. You can ask Dom and Gerard, nasa gym lang talaga kami."


"Edi sana nagtext ka! Dalawang oras kaya akong naghintay sa mall. Sana nagawa ko na yung idro-drawing na palaka sa zoology."


Hinawakan niya yung kamay ko. "Sige na, ako na magdro-drawing. Matulog kana."


"Bakit ikaw ba yung gre-gradan?!" inirapan ko siya. Agad naman niyang kinuha yung bond paper sa akin.


"Ako na, matulog kana."


"Can't, may quiz daw sa inorganic chem sabi ni Louisse," sabi ko. "Ako na, gawin mo na yung sa iyo, tapos magreview na tayo."


Sumilay yung ngiti sa labi niya. "Bati na tayo?"


"Date mo ako bukas," sabi ko.


"Sure, baby," he pulled me for a hug. "I'm really sorry."


"Bakit kailangan pa kasing magdrawing eh," pagrereklamo ni Chloe. "Magdodoctor ako, hindi naman palaka yung pasyenteng gusto ko sa future."


Dom laughed beside her. "We all need to learn the basics, Chlo."


"Basic? Same ba sa palaka?"


Ako naman yung natawa, naalis lang yung inis sa mukha ni Chloe noong dumaan sa harap namin yung kapatid ni Louisse kasama niya yung best friend niya.


"Hi," Kuya Ethan greeted us. "Si Louisse?"


"Hi, Chloe Francesca, ang aga nakasimangot ka nanaman," bati ni Kuya Chester, agad namang umirap si Chloe kasi may halong pang-aasar sa boses ni Kuya Chester.


"Nag-cr ata siya, Kuya," sagot ko.


Agad naman silang umalis matapos nilang maiabot yung dalawang boxes ng pizza, nagsimula na kaming kumain, tapos dumating naman si Gerard, segundo lang ang pagitan nila ni Louisse.


"Nag-order kayo?" tanong agad niya.


"No, binigay ni Kuya Ethan," sagot ni Chloe.


"Sungit, after class daw pinapapunta tayo ni dean sa office niya," sabi ni Gerard kay Louisse.


"Bakit daw?" umirap si Louisse. Gerard shrugged.


"Gala naman tayo sa sembreak?" sabi ni Chloe. "How about Palawan? Or sa Cebu na lang?"


Justine looked at me, he got plans already, pero parang nakakahiya namang tanggihan yung aya ni Chloe. For the last couple of months, parang nagkaroon ako ng bagong kaibigan dahil sa kanila. They are fun to be with, sobrang spontaneous nila.


"Try namin," sabi ko. "Baka kasi may plano rin yung parents namin."


"Okay," Chloe answered. "Let's plan after finals."


Most days, hinihintay kong matapos si Justine sa practice, minsan sinasamahan naman akong maghintay ni Chloe, but most days, they have no patience to wait.


"You really love him, huh?" Gerard asked me, nakabreak sila sa practice, bumili muna ng tubig si Dom at Justine kaya kami lang naiwan sa court, nasa ibang aisle naman yung ibang mga players.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now