Chapter 51

314 10 0
                                    

It was harder on the following days, wala akong makausap kasi wala naman sila Dom at Chloe. Louisse and Gerard were gone too, nasa honeymoon sila.


Gumising ako na sobrang sama ng pakiramdam ko, it has been going for a week. Ako naka-deck ngayon so sa akin yung mga admission, kailangan kong mag-rounds.


"Okay ka lang, Doc?" tanong noong outgoing na nurse. I gave her a faint smile.


I called OB dept, wala daw si Louisse. I just bought 4 kits, and just like how I predicted it to be. It's positive. I'm pregnant.


"Ma'am pwedeng pa-book ako sa ultrasound?" utos ko sa secretary ko. May tatlong pasyente pa akong for check-up.


"Doc, kayo na daw unahin kapag tapos ng clinic hours ninyo," sagot niya.


Kabado akong pumasok sa ultrasound room, yung ka-batch nila Louisse sa residency yung naabutan ko.


"Wala pang heartbeat?" tanong ko.


"Gusto mo bang mag-transvaginal ultrasound, Doc?"


Umiling ako. I'll just wait. It's Justine's dream to hear our baby's heartbeat. Hihintayin ko na lang siya.


Umuwi ako ng condo, I texted him. Pero wala siyang reply. Kinabukasan ay naging maayos naman na yung pakiramdam ko.


"Nag-rounds po ba si Doc Samonte?" tanong ko sa isang nurse.


"Sino po sila?"


Biglang tumayo yung head nurse. "Nasa seminar sila, Doc. Sorry, Doc, bago lang kasi."


I smiled. "Okay lang po. Akala ko po hindi siya yung pupunta?"


"Siya po pinapunta nung head," sagot niya.


I just nodded. Nagpasalamat na lang ako. Pero noong tumalikod ako ay narinig ko pa yung bagong nurse.


"Kasal si Doc Justine, ma'am? Parang hindi. Wala namang singsing si Doc," bulong niya. Pero rinig na rinig ko.


To: Baby
Hindi ka uuwi? May sasabihin ako.

From: Baby
I'm here in Cebu.


Ang sabi niya ay isang linggo lang yung convention, pero dalawang linggo ko siyang hindi nakita. Ako lahat bumibili ng pinaglilihian ko. I was alone, sabi niya noon dalawa kami kapag nabuntis ako. Where is he now?


I booked a flight to LA. Nag-leave ako kasi nababagot akong mag-isa sa condo. Si Dom yung sumundo sa akin.

"You okay?" I remembered Dominique asking me, I immediately cried. Dinalaw ko sila ni Chloe ng buwan na nalaman kong buntis ako, no one knew that I was pregnant, wala si Justine lagi, wala akong masabihan ng mga problema ko.


"Dom, I feel lost," I cried hard.


"Nasaan ba siya?"


"I don't know," I pursed my lips to prevent any more tears, but I failed.


Pagdating namin sa bahay nila Chloe ay agad ko siyang niyakap. Pilit ko mang pigilin ay kumawala na yung mga luhang pinipigilan kong makawala.


"You okay?" she asked. Sasagot pa lang ako noong narinig naming umiyak yung baby niya.


Pumunta kami doon. I smiled when I saw her son.


"Say hi to Ninang Trix," Chloe even waved his son's hand. Ilang buwan pa lang yung bata pero ang cute niyang ngumiti.


"Hi, Kale," I held his hand. He giggled softly.


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now