Masakit ang ulo ko. Yun lang ang alam ko. Nagising ako na kumikirot ang sentido ko.
Mula sa kagabi.
Oo. Naaalala ko pa lahat.
Kung pano ako nakauwi, kung ano ang nadatnan ko dito, hanggang sa pagtulog ko. Lahat naaalala ko.
Miski kung ano yung nakita ko sa mall.
Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Kirot na di ko maintindihan kung bakit ko to nararamdaman. Kung bakit ako nakakaramdam ng sakit.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Napahalukipkip na lang ako sa mga tuhod ko habang inaalala ang paghalik ni Bettina kay Raven.
'Bakit hindi niya nagawang itulak si Bettina? Kasi gusto niya rin. Yun naman talaga ang gusto niya diba? Ang bumalik sa kanya si Bettina. Pero tangina, Raven. Paano na ko?'
Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Gusto kong matulog, yung tipong hindi na ko magigising. Gusto kong mawala na lahat ng sakit.
-----------
Mahapdi ang mata ko.
Yun ang una kong naramdaman pagkagising ko. Tumingin ako sa orasan at napagtanto kong nasobrahan ako sa pagtulog -.-
Alas-dos na ng hapon.
Sunod na naramdaman ko ang ang pagkalam ng sikmura ko kaya dali dali akong tumayo at dumeretso sa kusina para makapagluto ako ng tanghalian.
Broken hearted ako pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko ng mamatay.
Naghanap ako ng DVD na may bagong palabas at saka ito ipinaandar sa player, oo. Sa player na sobrang galing nagpaikot ng CD.
Prente na sana akong mauupo ng mapatingin ako sa pintuan.
'Anytime, pwede siyang pumasok.'
Pero hindi ko na hahayaang mangyari pa yun. Ayoko na siyang makita kahit kailan. Lahat sila. Gusto ko ng manahimik ang buhay ko. Gusto ko na lang mamanhid ang buong sistema ko.
Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng ipangsangkalang sa pinto para kahit anong gawing tulak dito ay hindi na ito mabuksan. Nakakita ako ng mahabang kahoy sa may kitchen kaya naman agad ko tong inayos sa may pintuan. Nang maging kumbinsido ako na hindi na mabubuksan ang pinto, bumalik na ako sa harap ng TV at kumain ng kumain.
Walang kamalayan akong napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa tabi ng TV.
Ibinalik ko to sa huling dalawang buwan at napagtanto ko na magdadalawang buwan na pala akong hindi dinadatnan.
Napa-iling ako at pilit kinukumbinsi ang sarili na mali ang kung ano nang iniisip ko. Isa pa, kung buntis naman ako at dalawang buwan na akong delayed, malamang nagspotting na ko.
"Hindi, Hera. Imposibleng mabuntis ka."
Kabado man ay pilit kong kinalma ang sarili ko. Imposible yon. Bumalik ako sa pagkain.
Mag dadalawang oras na kong nakatunganga dito sa sala. Gusto kong bumalik sa kwarto pero ayaw sumunod ng katawan ko na para bang ayaw nitong umalis sa harapan ng pinto at naghihintay na may magbukas nito.
'Boba ka, Hera. Wag kang umasa, nakakamatay.'
Pinilit ko ang sarili kong tumayo at heto ako ngayon nakaharap sa salamin at nag aayos ng sarili. Muli na naman akong napatingin sa orasan at nakitang alas-siete na.
Pero bakit walang nagbubukas ng pin--- AHHHHHHH HERA!!! WAG KA NGA!
Umiling iling ako at pilit binura ang naiisip ko. Kinuha ko ang bag ko at dahandahang lumabas ng pinto ng condo ko.
No signs of him.
As usual, sa bar na naman ang punta ko. Pero hindi para mag-inom, kundi dahil sa tawag ng laman.
Tao pa rin ako, kailangan ko yon.
Papasok pa lang ako ng bar ng may humila sa braso ko dahilan para mairita ako. Anong karapatan niyang hawakan ako?
Naramdaman ko na lang na nakasandal ako sa dingding at gulat na nakatitig sa taong nagkulong sakin sa mga braso niya. Muling bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung dahil sa nakita ko siya o dahil sa mga nagngingitngit na titig niya sakin.
Galit siya at kitang kita ko yon sa mga mata niya.
---
Walang nagsasalita saming dalawa. Katahimikan lang ang nag iingay sa kwarto niya. Nakarating kami ng condo niya ng parehong tikom ang mga bibig namin. At yung galit sa mga mata niya, hindi nawala.
This is nonsense.
Tumayo na ako at akmang palabas na ng kwarto pero bigla na lang kumawala sakin ang mga salitang hindi ko naman talaga ginustong sabihin.
"Itigil na natin tong kalokohang to, Raven. I've had enough. Sawang sawa na ko sa presensya mo. Can't you just leave my life? Ayaw na kitang makita. And Im hoping and expecting that this would be the last. All ends here."
Tumalikod na ko at akmang bubuksan ang pinto pero nagulat ako sa malakas na kalabog na dahilan para ikapikit ko at ikalakas ng tibok ng puso ko.
Nang idilat ko ang mata ko, nakita kong nakasara na ang pinto sa harapan ko habang nakatiklop ang kamao ni Raven at nakalapat sa pintuan, nagkaron pa ito ng pagkakabako dahil sa lakas ng impact ng pagkakasuntok niya dito.
Naramdaman ko ang muling pagbagsak ng mga luha ko, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa gulat at takot.
Walang ano-ano, nasa harap ko na ngayon si Raven na napalitan ng pag-aalala ang kaninang nagngingitngit niyang mga tingin.
Hindi niya malaman ang gagawin niya. Nakikita ko yun sa kilos niya. Napatungo na lang ako. Hanggang sa hinawakan niya ko sa magkabila kong pisngi at marahang itinaas ang nakayuko ko ulo dahilan para magpantay na ngayon ang mga paningin namin.
"Shit, Hera."
Yun ang huling mga salitang lumabas sa bibig niya at saka niya isiniil ang labi niya sa labi ko.
Marahan, hanggang sa naging mainit ang palitan namin ng mga halik. Hindi ko alam pero kusa na akong sumusunod sa bawat galaw niya.
Unti unti kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa bag ko at saka isinabit ang mga braso ko sa magkabila niyang balikat.
Naramdaman ko naman ang pagbaba ng mga kamay niya at saka hinila ang pang ibabang parte ng katawan ko dahilan para maramdaman ko ang tigas ng pagkalalaki niya.
--
I've found myself lying on his bed with him grinding on top of me.
His kisses moved onto my ears, nibbling it giving me wild sensations.
A moan escaped my mouth.
----------------
A/N: HEEEEEEEP EVERYTHING'S GETTING HOTTER OMG. Hahahahahahahaha pabitin muna. At dahil mahal na mahal ko kayo at matagal din akong hindi nag-update, ayan may gift ako sa inyo. Kaso bitin muna. Don't worry. Mababasa niyo siya next chapter, pamabawi ko na sa inyo! Salamat sa mga patuloy ma sumusuporta at nagbabasa:* Namiss niyo si Hera? Hahaha. Namiss niya rin kayo fohhhh sureee. Thankyou. Keep voting and spreading. Love you all. Stay tuned in for the next chapter! ayieee MWA!
xoxo,
Chubi♡