Chapter37 - Into Something

3.9K 58 2
                                    

Hi sa inyo! Sorry sa sobrang tagal na update. Writer's block. Anyway. Magkakaron po ng story si Tiffany Villemor. So yung mga maka-Sev jan, mababasa niyo rin siya dun kasi magkapatid sila. And siguro may cameo din si Raven. Pero hindi niyo mababasa si Hera don kasi iba ang timeline niya, college pa lang si Tiffany don. Okay? Hindi niya maaapektuhan ang The Wild Goddess.

For Sev, gusto ko sana different story din ang lovelife niya, so possible na magkaron din siya ng sarili niyang story.

Ayun, salamat sa mga naghintay! Mwa.

Wayne's POV

Pinunasan ko ang nag uunahang luha ko at nagmamadaling naglakad papunta sa kotse. Pinaglalaruan ko ang susi ko sa kaliwang kamay at nakasukbit naman ang kanang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

Ramdam ko pa rin ang pagtagos ng mga salitang binitiwan ni Hera Lei para kay Raven. Pero hindi ko magawang magalit, dahil alam kong nagmamahal lang naman siya, tulad ko.

"Wayne!"

Tumalikod ako para lingunin ang taong tumawag sa pangalan ko. Napangisi na lang ako ng makita ko ang isang hingal na hingal na si Raven, at mukhang nagmadali talaga siya para abutan ako.

"For...what?" Habol ang hininga niyang tanong.

Pagkunot lang ng noo ang isinagot ko sa kanya.

Nagsalita ulit siya ng mapansing hindi ko maintindihan ang tanong niya.

"You... What's your purpose on letting me hear the answer, but seems to be a confession, of Hera? What are you pointing out?"

Suminghal ako bago ko siya sagutin.

"You are a jerk, Bro." Tanging sagot ko at tumalikod na ulit ako sa kanya para maglakad muli papunta sa kotse ko.

Narinig ko ang paghakbang niya at alam kong nakasunod pa rin siya sakin.

At hindi ko gusto ang ginagawa niya. Hindi niya ba naiisip na sa nata ng iba kapag nakita kaming dalawa, magmumukhang bromance quarrel. And yikes I would never let that happen.

"Si Tiffany. Siya yung kasama kong babae kanina."

And he has the guts to tell me the name of the girl.

"She's my cousin."

Nakuha niya ang atensyon ko sa huli niyang sinabi kaya muli ay hinarap ko siya.

"I am not here to start a fight, Wayne. I'm here to clear things up. I'm sorry I need to do that to Hera. Because it was all part of the plan."

"Plan?" Takang tanong ko at kusa namang bumilog ang kamao ko. Pinagp-planuhan nila si Hera?

"Plan for her birthday." Kaswal niyang sagot.

Natameme ako nang maalala kong birthday na pala ni Hera two days from now.

"A.. anong plano mo?" Nag-aalangan kong tanong pero gusto kong malaman.

"You see, mukhang nawala sa isip ni Hera ang birthday niya and much better yun since surprise party ang pinlano ko para sa kanya. Planado talaga ang hindi ko pakikipagkita sa kanya ng mahigit lumagpas sa dalawa o tatlong linggo kasi abala ako sa pag-aayos ng party. Umuwi ang pinsan kong si Tiffany from France para tulungan ako, event's planner siya. Alam na rin ni Nathalie ang lahat ng to dahil nagkausap na kami kanina." Pagcoconvince niya sakin.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon