Chapter16- Escape

6.4K 79 2
                                    

Sorry sa paputol-putol na update. Pasensya na. Susubukan kong bumawi;) Bakasyon na kasi namin. ATLAST! Salamat din sa mga nag-aabang sa story na to;***

----

Parang natigil ang buong sistema ko sa pangalang itinawag niya sakin.

'Chantal.'

Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi ko alam. May parte saking nagagalit dahil sa mga nabitawan niyang salita. Ayoko na..

Ayoko ng marinig pa ang pangalan na yun.

May parte rin saking kinakabahan. Alam kong walang dahilan. Pero natatakot ako na mabuhay ulit ang nakaraan ko. Natatakot akong halungkatin ni Raven ang mga alaalang matagal ko nang naibaon sa limot.

"Le--- R-raven. K-kanina ka pa ba...?" sabay kaming nag-iwas ng tingin at bumaling sa kakalabas lang ng kwartong si Megan at gulat na nakaturo kay Raven.

Tumango lang sa kanya si Raven na para bang alam niya na ang isasagot niya kahit na hindi pa natatapos ni Megan ang sasabihin niya. Saka siya tumalikod at iniwan kami ni Megan.

"Alam niya na?" takang tanong ni Megan sakin.

Bumuntong-hininga muna ako bago ako sumagot.

"Oo ata." at saka ako tumungo.

"May balak ka bang magpaliwanag sa kanya?" takang tanong ni Megan. Taka rin naman akong tumingin sa kanya.

"Bakit pa? Hindi niya na dapat malaman pa ang buong storya. In the first place, wala naman dapat siyang kailangang malaman." sagot ko bago bumalik sa loob ng kwarto.

Sinimulan ko ng mag-ayos ng gamit. Hindi ko na kayang tumagal pa dito. Ewan ko. Gusto kong tumakas. Gusto kong iwanan lahat ng problema. I just want to be away from reality. I need to escape.

Diretso akong lumabas ng kwarto dala na lahat ng gamit ko. Nakita kong mag-kausap si Megan at Raven sa may kusina. Pero hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila kaya nakalabas ako ng hindi man lang nila ako napapansin.

Nakita ko ang kotse ni Megan. Good thing, at naisip ko na to kanina pa. Kinuha ko ang susi ng kotse ni Megan na nakita ko sa tabi ng alarmclock kanina. Pinaandar ko ang kotse. Mamaya ko na lang ipapaalam kay Megan na hiniram ko ang kotse niya.

Nakarating ulit ako ng Manila. Kanina pa may tawag ng tawag sa phone ko pero wala akong balak na pansinin yun.Paikot-ikot lang ako. Ayoko pang bumalik sa condo. Hanggang sa kusa akong napagod at tumigil sa isang bar. First time ko dito. Pero wala akong pakialam.

Para namang kusang nabuhayan ang katawan ko, lalo na ng maamoy ko ang mga alak isama mo pa ang maingay na tunog at ang mga nagsasayawang tao sa loob.

Hindi pa man din ako nakakakuha ng magandang pwesto ay bigla na lang may humablot sakin papunta sa gitna kung saan nagsasayawan ang iba't ibang nilalang.

"Masyadong maingay dito."

Bulong sakin nung lalaking humablot bewang ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Nasa likod ko siya at parehong kamay niya ang nakahawak sa magkabilang gilid ng bewang ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw at kunwaring hindi siya narinig.

"May alam akong lugar na tahimik. Mas okay dun. Mas makakapag-usap tayo. Mas makikilala natin ang isa't isa." naramdaman ko naman ang bagay na unti unting tumutusok sa likuran ko. Hinarap ko siya.

Gwapo siya. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. Mapungay na mata. Sumasabay ang titig niya sa pulang ilaw na tumatama sa gawi namin.

Tumingkayad ako dahil sa matangkad siya. Kinagat ko ang pang-ibabang parte ng tenga niya at narinig ko siyang napasinghap.

"Gusto ko rin sa lugar na sinasabi mo. Pero kasi, ginto ako. Afford mo ba?" bulong ko sa tenga niya.

"Talaga?" bulong niya rin.

Nginisian ko lang siya at saka ko ulit siya tinalikuran.

Naramdaman ko na lang bigla ang pagbuhat niya sakin. Hinayaan ko lang siya. Inilabas niya ko ng bar. Lakad-lang siya ng lakad hanggang sa dilim na lang ang tanging nakikita ko. Puro puno. Tahimik. Wala kang makikita kahit anino ng tao. Lumuhod siya at inilapag ako sa damuhan.

"Dito?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba?"

Sinuyod ng mata ko ang buong lugar. Maayos naman. Para kaming nasa gubat. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naghihintay lang siya ng sagot.

"Siguraduhin mo lang na walang tutuklaw sakin dito ha!" sagot ko.

I heard him chuckle. Sexy a*stard!

"Walang tutuklaw sayo dito. Ako lang." sabi niya at saka ako hinalikan.

Nakasuporta ang isa niyang kamay sa batok ko habang ang isa ay inaalalayan ang likuran ko habang inihihiga ako.

-----

PABITIN!^^v Hahaha. Salamat sa mga nag-aabang!

CHUBI

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon