Totoo ba tong nakikita ko?Kilalang kilala ko ang kwarto na to. Oo natatandaan ko pa. Nakita ko pa ang litrato niya sa mesang katabi ng kama.
Kay Raven nga.
Pero pano akong napunta dito? At isa pa? Bakit ba punong puno ng petals tong hinihigaan ko? Amoy na amoy sa buong kwarto ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid din sa kama.
May narinig akong mga hikbi kaya napalingon ako sa kaliwang direksyon kung saan ko naririnig ingay. Don ko nakitang nakaluhod si Raven at may hawak na maliit na pula na box.
Nakaluhod siya...
Sa harap ni Betinna na ngayon ay umiiyak habang nakatakipnang pareho niyang kamay sa bibig niya.
Gusto kong magsalita. Gusto kong tumutol. Gusto kong hampasin si Raven at sabihing ang tanga tanga niya. Pero ni isa hindi ko magawang maipakita. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa nang biglang lumingon sakin si Betinna at may suot suot na mapang-asar na mga ngiti.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Gusto kong lumabas ng kwarto na to kaya hinanap ko ang pinto, pero imbis na pinto ang makita ko, nakita ko si Wayne na nakaupo sa tabi ko. Deretso siyang nakatitig sa mata ko.
"Sabi ko naman sayo, sakin din ang bagsak mo, Hera Lei."
Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko habang sinasabi niya yon.
Kusa kong ipinikit ang mga mata ko ng 1 dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko pero bago pa man ako tuluyang pumikit nakaramdam ako ng malakas na sampal sa pisngi.
"HERAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"
Napabangon ako ng marinig ko ang sigaw na yun. Matagal akong nagmatyag bago ko naisip na nasa loob pa pala ako ng kotse ni Sev.
"Grabe ang tulog mantika mo, Girl!!! Kanina pa kita tinatampal!!" That answers all. Kaya pala parang totoo ang pagkakasampal sakin sa panaginip ko.
At yung panaginip ko..
Si Raven at Betinna.
Hindi pwede.
Huminga ako ng malalim. Sinubukan kong alisin sa alaala ko ang panaginip na yon. Diba sabi din naman nila, kasalungat ng panaginip mo ang mangyayari sa realidad?
Tama, yun ang kakapitan ko.
At bago ko pa makalimutan, mabilis na tumama ang kamay ko sa ulo ni Sev. Pagkatapos ng sampal niya, hindi pwedeng wala akong ganti.
"Aw! Inaano ba kita?!" Hiyaw niya sakin habang hinihimas yung bandang batok niya.
"Tara na, ihatid mo na ko." Sabi ko lang habang nakatingin sa orasan ko. Akalain mong aabutin ako ng alas dose ng hatinggabi kasama ang baliw na to.
![](https://img.wattpad.com/cover/5740014-288-k602249.jpg)