(Hera's POV)
Kusang gumalaw ang mga paa ko palayo sa eksenang nasaksihan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagmamaneho papunta sa kung saan. Huminto ako sa harap ng isang bar na kahit kailan ay hindi ko pa napapasok. Ganto na nga siguro ang sistema ng katawan ko sa twing makakaramdam ng sakit at pagod.
Pero iba ngayong gabi.
Gusto kong mapag-isa.
Gusto kong mag-isip-isip.
Gusto kong malinawan sa lahat lahat.
Napakapit na lang ang pareho kong kamay sa manibela at saka ko naisubsob ang mukha ko don.
Kinuha ko ang susi at saka bumaba sa kotse.
Tinitigan ko ang kabuuan ng bar na nasa harapan ko ngayon.
Mukha namang may class kaya pumasok na ko at deretsong umupo at umorder.
As usual, all eyes on me. Pero wala akong panahon sa kanila ngayon.
Hindi ko na mabilang kung nakakailang lagok na ko ng alak.
Ang matagal ng patay na si Chantal,
Ang hayop niyang ama,
Ang pabaya niyang ina,
Si Wayne na sobrang mahal ako na pinipilit kong layuan,
Si Megan na hindi ko alam kung bakit nagawang maglihim sakin,
Si Bettina na pilit bumabalik sa kaisa-isang lalaking pinagkakatiwalaan ko sa ngayon,
Ang bastardong si Raven na kanina lang ay kahalikan si Bettina,
at si Hera..
Ang gulong-gulo na si Hera.
Ang daming pumapasok sa utak ko. Magmula sa umpisa ang hanggang sa dulo. Kahit kailan hindi ko naisip na darating pa ko sa gantong eksena ng buhay ko. Nanahimik na ko dati, bakit pa sila nanggulo?
Muling nanumbalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam. Pero ayoko ng ganto. Ang sakit. Para akong nilalagutan ng hininga. Yung pakiramdam na naiwan, yun yung naramdaman ko kanina.
Hanggang ngayon..
Napahawak ako sa dibdib ko. Pinakiramdaman ko ang pagbilis ng tibok nito.
Bakit ganto ang epekto mo sakin?
Alam ko. Nakakatiyak ako sa nararamdaman ko. Pero hindi pwedeng ganto. Napakakomplikado kong babae, hindi ko na kakayanin kapag dumagdag pa ang bagay na yon.
May kamay na lumapag sa kanang balikat ko, pero hindi ko siya pinansin at tuloy pa rin akong nagsalin ng alak sa baso ko. Hanggang sa naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"Need a companion, Miss?" bulong nga lalaki mula sa likod ko.
Sinagot ko siya pero hindi ko siya hinarap.
"No, thanks." sagot ko.
Inalis niya ang pagkakapatong niya ng kamay niya sa balikat ko.
Akala ko nakaalis na siya pero nagulat ako ng biglang may tumabi sakin at saka kinuha ang baso na iniinuman ko at nagsalin ng alak.
Nawala ang hilo ko at gulat akong napatingin sa kanya habang nakangiting-aso naman siya. Mas lalo akong nagulat ng inumin niya ang sinalin niya.
"Ano bang ginagawa mo?!" inis kong tanong sa kanya.