Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hera on the left, Bettina on the right. --
Hera's POV
Maaga akong nagising para sa Batangas trip namin ni Raven, kasama si Nanay at siyempre ang parents ni Raven. Pinaalala niya kasi na hindi kami nakasama noon sa Batangas kena Tita at medyo nagtampo daw ito. Kaya eto, naisipan kong itreat sila sa isang beach resort sa Batangas, birthday treat kumbaga.
Isinama ko rin siyempre ang bestfriend ko at pinasama ko na rin ang boyfriend niya, tutal para silang naka magnet sa isa't isa at hindi sila mapaghiwalay. Bukod samin, kasama rin si Tiff at Sev saka may kaibigan daw na isasama si Raven para maipakilala niya ko.
May 4 days pa kong pahinga bago ang movie shoot, yung dalawang araw ay para sa Batangas, yung isang araw ay para sa pahinga, at siguro yung isa ay ipapasyal ko rin si Nanay sa mall at ipamimili ng mga gamit niya, mamimili na rin ako nang mga damit ko.
"Nak, kailangan pa ba talaga akong sumama sa inyo don? Ayos lang naman sa akin na maiwan ako dito. Nakakahiya din eh."
Napatingin ako sa Nanay kong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto. Ay, mahigit limang beses niya nang sinabi yan ngayong umaga.
Hinarap ko siya at sinimangutan na parang nagmamaktol na bata.
"Nay, birthday treat ko to. At isa pa bakit kayo mahihiya eh ako naman ang gagast---"
"Ayon na nga, nak. Dagdag gastusin pa at imbis na makatipid ka eh ---"
"Nay, anak niyo ko. Wag nga kayong ganyan mag-isip. Sa dami nang pinagdaanan natin, kailangan din natin ng pahinga. Kaya sige na, Nay. Ayusin niyo na ang gamit niyo."
Yun ang huli kong binanggit at ngumiti naman na siya sakin. Nginitian ko rin siya na parang sinasabi kong wala na siyang dapat pang ipag-alala. Bumalik na siya sa kusina at may kung anong kinalikot doon.
"Lei lei lei LEIIIIII!!!" Parang ibong nakawala sa kural si Megan habang nagtatatakbo papasok ng kwarto at dala dala ang gamit niya.
Sinimangutan ko lang siya at pinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng gamit.
Umupo siya sa kama ko at may inilabas na paper bag. Parang yun ata yung paper bag na nanggaling pa nung nagshopping kami.
"Dalawa yung swimsuit na binili ko diba? One's for you ofcourse." Saka niya iniabot sakin yung paper bag at kinuha ko naman. Isinilid ko yun sa backpack na dadalhin ko.
"Kasama mo si Miles?" Tanong ko sa kanga. Si Miles yung boyfriend niya.
"Ahhh! Yeah. Pinaupo ko siya sa sala hahaha!" Sagot niya. Anong nakakatawa sa sinabi niya?