---
"Yeah right, Megan. Whatever you say." Pagkibit-balikat at isang pilyang ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya bago ko siya talikuran.
Isang nakasimangot at nakahalukipkip na Megan ang umupo sa kabilang dulo ng kinauupuan ko. Inaasar ko lang naman siya sa huli niyang naka ONS. Malay ko bang totoo naman pala talagang may gusto siya don. Hindi naman ako na-informed na Denial Queen naman pala siya.
"Sinabi na ngang di ko siya gusto e! Ang kulit mo! Wala akong paki kung may ka-sama siya ngayon sa condo niya at pareho silang nag-iinit doon! Masunog sana sila pareho!" Singhal niya.
Mas naging interesado ako sa kusina kesa ang makinig sa mga hinaing niya kaya naman nginisian ko lang siya at wala ano-ano'y pumunta ako sa kusina saka ko inabala ang sarili ko.
"dib--- ah? HOY LEI! BASTOS KA AH! BAT MO KO INIWAN DITO?!" sigaw niya.
-----
"Megan, ang boring."
Kanina pa ko ikot ng ikot dito. Lahat na ata ng pwedeng gawin nagawa ko na. Ayan, naubusan tuloy ako ng gagawin.
"Anong gusto mong gawin ko?" Sagot niya.
Mapapa-irap ka na lang sa hangin kapag gantong tao ang kasama mo. Hay life!!
*ding*dong*
"Hi, Handsome." malanding tawag ni Megan sa may pintuan. Pakalandi forevs.
"Uhh, hi. Andyan si Hera?"
Agad napakunot ang noo ko sa narinig kong boses.
Tumakbo agad ako papunta sa kwarto, para magtago at magpanggap na tulog pero huli na.
"Hera."
Bagsak ang balikat kong nilingon si Raven. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko talagang sabunutan si Megan na ngayon ay nakalimutan na atang isara ang pintuan at takang nakatingin saming dalawa. Bumaba ang tingin ko sa hawak ni Raven. Kusang humilig ang ulo ko pakanan.
Anong meron at may dala-dala siyang pagkain?
Ngumiti siya sakin at mas inilahad pa ang bitbit niyang pagkain.
"Nagluto ako." Sabi niya habang humahakbang papalapit sakin.
"Anong uri ng lason ang inilagay mo jan?" Tanong ko sa kanya
"Pag ako ang nagluto, may lason agad. Hindi ba pwedeng gayuma muna?" Proud na proud pa niyang sinabi yan.
"Handsome, kung ako ang kakain, hindi na kailangan ng gayuma, sayong-sayo na agad ako. Pero kung si Lei ang kakain, mas prefer niya ang lason, di effective ang gayuma sa taong yan." Sabat naman ni Megan na ngayon ay nasa gilid na ni Raven habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya. "Akin na nga to at maupo ka na muna. Feel at home ka lang jan ha!" Agad na kinuha ng magaling na babaeng yun ang hawak ni Raven. Agad din naman akong lumapit at kinuha ko ulit ang pagkain kay Megan at ibinalik kay Raven na napangisi dahil sa ginawa ko.
"Girl, hindi tinatanggihan ang blessings. Kaloka! Makaupo na nga lang." sabi ni Megan. Humarap ito kay Raven para ngumiti bago ito umismid sakin.
Wait ka lang, Megan. Mamaya ka sakin.
"Iuwi mo na yan. Kumain na kaming dalawa. Isa pa aalis rin kaming dalawa." Sabi ko nang maibaling ko naman ang atensyon ko kay Raven.