-----
Bettina's POV
Iba pa rin talaga yung klima sa Pilipinas. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin mas gusto ko yung init ng Manila kesa yung lamig dito sa Japan. Ewan ko ba, mag iisang buwan na ko dito pero hindi pa din ako masanay, siguro kasi mag-isa lang ako dito kaya ganto ako mag-isip, pati yung klima dinadamay ko.
Kinuha ko ang phone ko mula sa drawer at sumandal ako sa headboard ng kama. Muli kong binalikan yung huling message sakin ni Wayne bago ako lumipad papunta dito sa Japan. Ilang beses ko na sinubukang burahin tong message niya na to, kasi para sakin wala na rin namang kwenta, pero ewan ko ba.
'I miss you, Betty.'
Yan lang yung huli niyang message pero sobrang lakas na ng impact sakin niyan. Naalala ko ulit nung huli naming pag-uusap, siguro magdadalawang buwan na din yung nakalipas, yun na din yung naging huli naming pagkikita.
Hindi ko nga alam kung tama na nag-hiwalay kami ng gabing yun sa ganong sitwasyon, hindi ko masabi kung makakabalik pa kami sa dati, ni hindi ko na nga rin kayang ipakita pa ang sarili ko sa kanya.
I told him, I like him. Inamin ko naman sa kanya yun. At yung sagot niya sakin ang nakakaloko, dahil sinagot niya ko ng alam naman daw niya. Masyado siyang conceited, pero hindi ko na nagawang tanungin kung seryoso ba siya o hindi, pero sa itsura niya, mukha namang seryoso siya. Tsk. Ganun na pala ako ka-obvious kung ganun.
Pinindot ko ang lock screen ng phone ko at dahan dahang pinadulas pahiga ang katawan ko.
Eto lang naman ang madalas kong gawin dito eh, matulog, gumala, kumain at bisitahin ang business namin. Hindi ako ganun kadalas sa office, kapag kailangan lang talaga nila ako saka lang ako pumupunta don. Namomonitor ko pa rin naman ang paggalaw ng sales dahil na din sa kumpletong laman ng laptop na pinadala sakin ng Daddy at dahil na rin sa magagaling na empleyado sa kompanya namin, wala akong masabi sa kasipagan nila, para silang na-sala lahat. Masyado rin naman kasi talagang perfectionist si Daddy, nagtaka pa ko diba.
I was about to close my eyes when my phone started ringing.
It was from an unknown number, kaya nagdalawang isip pa ko kung sasagutin ko. Pero ano pa bang magagawa ko, baka importante.
"Hello? May I speak to Ms. Bettina Ruiz?" Bati sa kabilang linya. Halatang Japanese dahil sa slang na english.
"Yes, speaking. Who's this?"
"This is Nurse Michiko. By chance, do you know someone named Wayne Asuncion?" Agad akong napaupo nang marinig ko ang sinabing pangalan. Joke ba to? Naramdaman ko na naman ang bilis ng pagtibok ng puso ko at kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko. Imposible namang andito si Wayne sa Japan. Anong gagawin niya dito? Sinusundan niya ba ko? Sige, Bettina. Umasa ka na naman para lugmok ka na naman sa dulo.
"Hello? Are you still there, Ms. Bettina?" Muntikan ko nang malimutan yung kausap ko sa phone. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Yes. I'm sorry. What is it with Wayne? Yes, he's a... a friend." Friend.
"He was hit by a car on his way home. Good thing's he didn't got any serious injuries but he got wounds on his left arm and a bone fracture because of the impact. He was immediately accompanied here by the car's owner. We found your calling card in his wallet." They gave me the location of the hospital and the room number wherein Wayne's admitted. Buti na lang yun yung pinakamalapit na hospital dito sa tinutuluyan ko.