Chapter38 - Almost There

4.8K 66 7
                                        

Hi! Enjoy :*

---
Bettina's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Ramdam ko pa rin ang pagkamaga nito dahil sa pag-iyak ko kagabi. Sobrang bigat pa ng talukap ko na parang kulang na kulang pa ang tulog ko.

5 minutes..

Muli kong ipinikit ang mata ko.

"Tsk. Tamad, Betty."

Agad akong napaupo nang marinig ko ang boses ni Wayne at nawala bigla ang pagkabigat ng talukap ko't dilat na dilat akong napatingin sa may sofa.

Nakade-kwatro siyang upo at nakahalukipkip ang braso na parang nanonood lang ng movie. Prenteng-prente ang upo niya habang nakangiti at pinapanood ako.

Naalala ko bigla ang ginawa kong paghalik sa kanya at agad kong nakagat ang labi ko. Hindi niya naman alam diba? Wala akong dapat ipangamba.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"Nakatulog ako eh." Habang nagkamot pa sa ulo.

"Ah. Oo nga pala. Nauna ka pang makatulog sakin." As-a-matter-of-fact kong sabi.

"Nope." Sagot niya habang umiiling. Para namang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang mga oras na yun. Pero naitago ko ito sa pagkunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kaswal kong tanong. Pero natatakot ako sa magiging sagot niya.

Katangahan mo kasi talaga, Bettina eh no? Hays!! Pano na lang kung alam niya?!

"Secret lang natin yun, Betty. Don't worry." At kumindat pa siya habang ako napanganga.

Tumayo siya at lumapit papunta sa kama ko. Pero hindi pa rin nawawala sa mukha ko ang bakas ng pagkagulat.

"I have to go. Namimiss ko na ang kama ko eh. Be fine, Betty. I'll see you soon." Ginulo niya ang buhok ko at naglakad na palabas ng kwarto ko. Gusto ko siyang habulin para linawin kung ano ang sinabi niya. Pero huli na dahil tanging pagsara na lang ng pintuan ng kwarto ko ang narinig ko.

Kusang bumagsak ang likod ko sa kama at naiwan akong tulalang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Alam niya, Bettina. Alam niya. Shitbrix!

Muli akong napatingin sa pinto nang marinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko para makita kong nakadungaw doon ang isang mapang-asar na ngiti ni Wayne.

"Betty? Don't think too much. Tayo lang naman ang makakaalam na may tinatago ka palang sweetness eh... hindi ko nga din akalain.... na kukumutan mo ko kagabi. Don't stress yourself, okay?" He said then he left out a teaseful laugh. He even waved his hand before closing the door.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at mas lalo kong naramdaman ang inis sa pang-aasar na ginawa ni Wayne.

ARGHHHHH! WAYNE ASUNCION! What the hell have you done to me?!

Naibato ko na lang ang unan na nadampot ko sa direksyon ng pintuan.

---

Wayne's POV

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti sa tuwing naaalala ko ang expresyon sa mukha ni Betty nang umagang yun. Napaka-cute niya. Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon