Chapter7- Destiny's Jerk

11.5K 117 3
                                        

"That one!"

"No."

"Tsk. That one looks better on you."

"Shut up, Megan."

"Keyfayn!"

Nanahimik na lang siya sa isang sulok. Ipinipilit niya kasing ipasuot sakin yung damit na gusto niya-.- Ayoko nun. Masyadong revealing.

Sabi nung photographer, may hinihintay pa daw. Yung magiging ka partner ko sa shoot. Napaka special-.- Late na siya ng 10 minutes. Inis!

Bale, sa swimming pool yung photoshoot namin. I don't know why-.- Pero hindi swimwear. Ewan ko. Kung anong gusto nila. Babayaran rin naman nila ako.

Maya-maya pa, narinig kong nagkakagulo yung mga staff sa labas. Baka dumating na yung pa-special.

"Wait lang ha." paalam ni Megan.

"Oi. Saan ka pupunta?"

"Titignan ko kung papabol ba yung makakapartner mo!" tatakbo na sana siya palabas ng tent.

"Teka lang! Sasama na ko."

Paglabas namin may nadaanan kaming dalawang babae, staff rin yata.

"Ang gwapo niya,Bea!"

"Eeeeeep! Oo nga e. Ang swerte ni Miss Hera kay Sir Raveeeeeeeeeen."

Kinalabit nung Bea yung kasama niya nung napansing nasa likod nila ako.

"Good Afternoon po, Miss Hera." tapos umalis agad sila.

Pero teka. Sino daw?

'Eeeeeep! Oo nga e. Ang swerte ni Miss Hera kay Sir Raveeeeeeeeeen.'

'Eeeeeep! Oo nga e. Ang swerte ni Miss Hera kay Sir Raveeeeeeeeeen.'

'Eeeeeep! Oo nga e. Ang swerte ni Miss Hera kay Sir Raveeeeeeeeeen.'

Bago pa man mag-process sa utak ko yung sinabi nung babae, may tumawag na sakin na siyang nagpatunay na bwisit talaga ang tadhana-.-

"Hera?"

Si Raven nga.

"Si pogi pala yung makakapartner mo e. Papabol nga!" bulong sakin ni Megan.

Tumingin ako kay Raven at ngumisi lang siya. Ang stupid kasi nito ni Megan! Bumulong pa siya! Nahiya pa! Rinig na rinig naman kasi!

"Hi Miss Beautiful. Raven pala." lumapit siya kay Meg at umastang gentleman, hinalikan pa yung kamay ni Megan. Gaaaaaa! Ang landi niya po.

"Iiiii! Hier Handshemmmmm. Im Nathalie." sagot ni Megan na nagbeautiful eyes pa at itinabi pa ang bangs niya sa kanang tenga niya. KALALANDI!

"EHEM!" para naman malaman nilang nandito rin ako diba?

Humarap naman sakin si Raven at tinalikuran ko naman siya. Bumalik na ko sa tent namin para magretouch. Pumasok na rin ang bestfriend kong haliparot.

"Ang gwapo talaga nung Raven na yun, no Lei?"

Di ko na siya sinagot. Nakita ko na lang siyang kinakalikot na naman yung phone niya. Tsk. Katext na naman siguro yung lalaki niya na hanggang ngayon di niya pa napapakilala sakin.

"Hera! Photoshoot will start for about 5 minutes from now." si manager. Minsan talaga agaw-eksena lang siya. Dumaan lang talaga siya sa tent at lumabas din.

Model din pala yung Raven na yun? Ngayon ko lang talaga siya nakasama sa photoshoot. Jeez.

Niyaya ko ng lumabas si Megan.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon