Chapter10-Chaos

8.7K 101 8
                                    

"Bettina?"

"Raven?"

"Hera Lei."

"W-wayne."

.

.

.

.

.

Para namang magic. Nagslowdown lahat sa paningin ko, parang ang late reaction ko nga, kasi ngayon ko lang naramdaman ang paglambot ng tuhod ko. Hindi ko rin napansin ang pagtawag ni Raven sa babaeng kasama ni Wayne. Ang alam ko lang, nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Walang naiwas.

"Ehem." napitlag lang kami sa malakas na pag-ehem ni Tito Niel. Lahat kami napatingin sa kanya at nakita naming nakaupo na pala sila at kaming apat na lang ang naiwang nakatayo.

Ewan ko ba. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Bakit sa dinami-dami ng tao diba? Ganun ba talaga kagalit sakin ang tadhana para pagtagpuin kami lagi?

Naunang maupo si Raven, naramdaman ko ang paghila niya sa kamay ko paupo kaya sumunod ako, umupo na rin agad si Wayne pati yung kasama niyang babae.

"Magkakakilala kayo? How come?" gulong gulong tanong ng mommy ni Wayne samin.

"Mamaya na yan, Ma. Isn't it rude na hindi pa pinapakilala satin ni Wayne ang babaeng dahilan ng pag-uwi niya sa Pilipinas?"

.

.

.

.

.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Alam kagad nila? Paano? Nung muling dumako ang tingin ko kay Wayne, halos parehas kami ng reaksyon. He licked his lips, sign na kinakabahan siya. I know him too well. Hindi ko namalayang nakatingin na siya sakin kaya naman umiwas agad ako bago niya mahalatang pinapanood ko siya. Yumuko na lang ako at naghintay ng sagot. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Raven ng kamay ko sa ilalim ng mesa.

"So, what's the name of the pretty girl beside you, Wayne?" mula sa panginginig, para naman akong nabuhusan ng kumukulong tubig. Nagising ako sa katotohanang hindi ako ang kasama ni Wayne ngayong gabi. Wala ako sa tabi ni Wayne.

"A-ah. Tito. Im Bettina Ruiz po pala. Friend po ni Wayne. Sorry po kung nalate ako kanina. Traffic po kasi." nag-aalinlangan namang sagot ni Bettina. Halata mo sa tono niya na kabado siya.

"Im glad to meet you,too, Bettina. Really? Friend lang ba talaga?" tapos ngumiti siya ng parang sinasabing di siya naniniwalang kaibigan lang talaga. "So Raven's right. You are Bettina. Pano kayo nagkakilala ng inaanak ko?" tanong ng tatay ni Wayne sa kanya.

"I-inaanak po?" tanong niya sa dad ni Wayne.

"Yes, hija. Raven is my inaanak. Kinakapatid siya ni Wayne." nakita ko ang pag-awang ng labi ni Bettina, pero agad itong napalitan ng pilit na ngiti.

"Dad. Ako ang kasama ni Ina ngayon. Why don't you ask questions about us and not about Raven and her?" dinepensahan niya pa si Bettina. Ang bilis niyang nakasingit, pero kaninang tinatanong siya, hindi niya magawang magsalita. Talaga bang si Bettina ang dahilan ng pag-uwi niya?

"Don't be so defensive, Wayne. Masyadong napaghahalataan si Bettina." ngumiti na naman siya, pero this time parang wala ng takas si Bettina sa mga ngiti niyang yun. Pareho sila ni Wayne, magaling makiramdam.

Long pause. Pinch of awkwardness. Napatigil lang ito ng magsalita si Raven.

"She's my past Ninong. Bettina Ruiz is my ex-girlfriend."

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon