---
"Hera." pag-ulit niya sa pangalan ko. Napasinghap ako. Feeling ko anytime magcocollapse yung tuhod ko. Para akong batang nakakaramdam ng pangungulila, gusto ko siyang yakapin. I admit, I miss him. Lahat ng alaaala naming dalawa, parang slideshow sa utak ko.
"Hi? Long time no see." Bati ko sa kanya na parang wala lang. As in wala lang.
Deretso pa rin siyang nakatingin sa akin. Parang hindi makapaniwalang ako yung nakikita niya ngayon. Para naman kaming sira dito kung tititigan niya lang ako.
"Wayne." tawag ko para makuha yung atensyon niya ulit.
"Hera Lei!" tumakbo siya palapit sakin. Nagulat na lang ako nung bigla niya kong yakapin.
"I miss you so much." sabi niya.
"Wayne, saglit." Marahan ko siyang tinulak dahil sa pagkailang. Isa pa, napadako ang tingin ko kay Raven. Nakatingin lang siya samin at mukhang naiinip na din.
"Sorry. Namiss lang talaga kita. Sabi ko naman sayo, babalik ako e." ngumiti pa siya.
"EHEM!"
Napatingin naman ako kay Raven sa entrance niyang yun. Buti na lang kasama ko siya.
Napatingin din sa kanya si Wayne pero agad din naman ulit siyang bumaling sakin.
"Ah. Wayne. Si Raven nga pala. K---Kaibigan ko." Ngumiti naman si Raven at humakbang palapit kay Wayne.
"Wayne, dude. Future boyfriend ni Hera Lei." Taas-noong pagpapakilala niya.
Bumabalik na siya sa ugali niya. Ang bilis niya talagang maging komportable sa paligid niya.
"Raven, dude. Kapit-condo niya." sabay turo sa akin.
Humarap na ulit sa akin si Wayne.
"Hera, can we talk?"
Matagal din akong napatitig sa kanya, nagdadalawang isip kung papayag ba ko. Pero hindi na dapat. Wala naman nang dapat pang pag-usapan. Ayoko ding madamay siya sa magulong takbo ng buhay ko."If course, we can...." ngumiti siya. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "But we may not." tumingin siya sa akin ng nagtataka.
Eto na. Eto na lang ang way para di na siya umasa pa.
"Wayne. Let's not see each other again. Let's just forget everything about us. Forget about me. Dapat di mo na ko binalikan pa. Wala ka na ring aasahan pa, Wayne." deretso sa mata ko siyang tinignan. Bumalatay naman agad sa mata niya ang lungkot. Ganun siya ka transparent. Mabilis mong malalaman kung anong nararamdaman niya.
"Pero, Hera.."
"No buts,Wayne. Goodbye." Hinila ko na si Raven papunta sa parking lot.
Nasaktan ko na naman siya. Ang bigat ng bawat paghakbang ko. Para akong dinudurog sa bawat paglayo ko sa kanya. Sobrang bigat.
Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Pero yun lang talaga ang posibleng paraan. Mahalaga siya sakin pero hindi ko kayang suklian yung pagmamahal na nakita ko sa mata niya kanina. Ayoko.
Napatigil ako sa paglakad nang matiyak ko na malayo-layo na kami kay Wayne. Agad akong napahawak sa kaliwang parte ng dibdib ko kung saan ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Nauna naman sakin si Raven na maglakad at hindi man lang ako nilingon.