Raven on top, Wayne below.
-----
"Who would have thought na kayo pala ang magkakatuluyan, no? Boto pa naman ako kay Wayne dati. HAHAHA!" Walang prenong sabi ni Megan kahit na alam niyang kaharap niya lang si Raven.
Lumingon ako sa kanya at mukha din namang wala siyang paki dahil hindi man lang gumalaw ang facial musles niya.
Nandito kami ngayon sa parang kubo-style na cottage. Si Nanay natutulog daw kaya hindi ko muna siya inistorbo, sila Tita at Tito naman, naglilibot din at kumukuha ng mga litrato.
Kami naman dito, busy sa pagkukwentuhan sa mga buhay-buhay. At itong si Megan, mukhang nagpapacute pa kay Steven na wala namang pakelam at kanina pa nakaharap sa phone niya.
Tumingin ako sa tabi ni Megan habang patuloy lang siya sa pagkukwento ng kung ano-ano. Kaya naman pala nakakapag-pacute, wala si Miles dito.
"Sabi pa nga niya da----" Tuwang tuwang pagkukwento niya.
"Where's your boyfriend?" Putol ni Raven sa kanya. Pati siguro siya, napapansin niya kung anong napapansin.
Tama yan, boyfie para matigil yung bibig ni Megan!
Natigilan si Megan at tumingin sa gilid niya nang nagtataka pero agad ding bumaling samin.
"Ah! Nagpaalam nga pala kanina! May kukunin lang daw siya sa room." Pag-alala niya.
Tumango na lang si Raven at nagdere-deretso na naman ang bibig ni Megan.
"Excited na talaga ako sa shoot mo sa Monday, Le..." Sinubukan ko siyang pigilan pero huli na ng napansin niyang pinanlakihan ko siya ng mata. "Ei. Hehe." At pasimpleng nag-peace sign.
Naramdaman ko ang paglingon sakin ni Raven. Hindi ko sinasabi sa kanya at sa isang araw ko pa sana balak sabihin. Tsk.
"May shoot ka pala sa Monday. Saan venue niyo?" Nakangiting tanong niya sakin nang lingunin ko siya.
"Ano kasi eh---"
"Naalala ko, Rav, nagyayaya nga pala yung si Meighton na mag-shooting sa Monday." Sasagutin ko na sana si Raven pero pinutol ako ni Dave.
It's my turn to raise my eyebrow.
"May shoot ka rin sa Monday?" Tanong ko kay Raven.
Natawa siya sa... Saan siya natawa?
"Shooting, ibig sabihin basketball, Hera." Paglilinaw ni Dave habang naka-ngisi lang sa kanya si Raven.