Chapter27 - Severine Sebastian

6K 75 8
                                    



"Megan."




Hindi ko alam pero yan lang talaga ang lumabas mula sa bibig ko.







Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, hindi ba dapat masaya ako, pero bakit sobra akong nadismaya sa naging resulta? Bakit... Bakit parang sobra akong umasa?








Hindi ko na napigilang lumuha ng yakapin ako ni Megan. Luha ng taong napa-asa at hindi ng saya.







"I think kailangan mo pa ring magpacheck-up, Lei. Since isang buwan ka ng delayed at hindi yun dahil...."

Nagfade yung boses niya nang maramdaman niyang mas lalo pa akong humagulgol. Sunod sunod lang ang paghimas niya sa likuran ko.







Bakit nasasaktan ako sa katotohanang hindi ako nabuntis ni Raven?

-----

Matapos ng isang madramang hapon, dinala ako ni Lei sa Starbucks, nabasa niya daw kasi ng nakakatulong sa regulation ng dugo ang kape. At ayun na nga, ibinili niya ko ng dalawang grande sized ng kape. Siguro after nito magkakaron na ko, or maybe nerbiyos ang abot ko nito. Goodluck din sa pagtulog ko mamayang gabi.






Yung mga isipin ko kanina, hinayaan ko na lang humupa. Tama si Megan. I should be happy. Hindi ako buntis, hindi ako tataba, hindi ako malolosyang, I could eat whatever I want, magagawa ko din lahat lahat ng gusto kong gawin, hindi ko kelangang problemahin ang sasabihin ni Raven at higit sa lahat, wala ng dahilan para magkausap pa ulit kami.






Pero nakakapagtaka nga, no signs of Raven. Ano kayang nangyari sa isang yun?






"MISS HA!!!"


May isang bulinggit na nilalang ang sumulpot at sumigaw na lang bigla sa harapan ko kaya naputol ang pag iisip ko. Nakita ko din namang muntikan ng maibuga ni Megan yung iniinom niya na kape dahil din sa gulat.






Sumandal ako sa upuan ko at tinignan ko mula ulo hanggang paa yung lalaking nasa harapan ko. Mukha naman siyang matino kaya nakasisigurado akong wala siyang sakit sa utak, siguro nagkamali lang siya ng tawag no?




Iinom na sana ulit ako ng kape kaso biglang humila ng upuan yung lalaki at saka nakishare sa table namin. Nakita kong nanlaki ang mata ni Megan at halatang naguguluhan sa nangyayari, may mangilan-ngilang tao na rin ang nagtitinginan samin dahil na rin siguro sa wagas na pagsigaw ng lalaking to.






Sinimulan ko ng tignan ang itsura niya. Maputi, matangos ang ilang, makapal at mahahaba ang pilikmata, close to perfect na ang pagkakahulma ng labi, kaso pandak siya. Mas matangkad lang siguro siya sakin ng isang dangkal. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya ngumiti siya kasabay ng paglabas ng malalalim niyang dimples.



Teka... Yang hitsurang yan. Pamilyar sakin.







Inilapag ko yung kapeng iniinom ko, agad niya naman itong kinuha at







ININUMAN NIYA YUNG KAPE KO! Aba walangya!







"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya.



"Umiinom." Sabi niya na parang normal lang ang pag inom ng isang tao sa baso ng isa pang tao na hindi niya naman kakilala.




De javu.

.
.
.


"Ano bang ginagawa mo?!" inis kong tanong sa kanya.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon