Chapter26 - Lines

4.8K 68 5
                                    

"One line, negative. Two lines, positive." Repeat times 10.


Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang palakad lakad ako sa harap ng banyo.




"Sa tingin mo lalabas yung mga linya niyan kung magpapalakad lakad ka lang jan, Hera Lei Sanchez?" Iritang tanong ni Megan. Siguro nga hilong hilo na siya sa kakalakad ko.




Kakagising ko lang kasi pero pregnancy test kit na ang bumungad sa umaga ko habang hawak ni Megan at winawagayway pa sa harap ng mukha ko.



Inhale.Exhale.


"Kaya ko to." Pagpapalakas ko ng loob ko. Naghuling sulyap pa ko kay Megan na kanina pa nakapamewang at saka ako dire-diretchong pumasok ng banyo.


-------

(Megan's POV)

Nakaupo ako habang naghihintay kay Lei. Grabe! Pano kapag jontis nga ang bestfriend ko? Ninang na agad ako? Hay grabe talaga! At eto namang si Raven, mangilan-ngilang araw na ring walang paramdam. Siguro ilang beses na rin akong parang tanga na naghihintay sa labas ng unit ni Lei, umaasang maaabutan kong lumabas si Raven, pero ayun, para lang talaga akong tanga, no signs of Raven.

Never ko pang natry na katukin siya kasi diba naman, paano kapag bgla siyang lumabas, anong sasabihin ko sa kanya? Parang ang pangit din naman kung sakin manggagaling yung kalagayan ni Lei diba. Hay talagang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mababaliw na ata ako.

Pero sigurado rin akong kay Raven talaga yun kasi if you know my Lei, never did she allowed a guy to c*m inside her.

Agad akong napatayo ng marinig ko ang pag-ikot ng doorknob.

Lumakad ako papunta sa banyo kasabay ng paglabas ni Lei, hawak hawak yung PT.




Natigilan ako ng makita ko kung anong reaksiyon na rumehistro sa mukha ni Lei. Hindi ko alam, nakangiti siya pero bakas sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan.




"Megan." Yan lang ang lumabas sa bibig ni Lei.






Pinakita niya sakin yung dalawang PT.






Pareho ng resulta.






One line, negative.




Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero masaya ako kasi alam kong wala ng kailangang problemahin pa ang bestfriend ko kaya niyakap ko siya, narinig ko rin ang paglaglag ng dalawang PT sa sahig, siguro nabitawan ni Hera kasabay din nun, naramdaman ko ang pamamamasa ng kaliwang balikat ko kung saan nakasandal si Lei, hindi ko maintindinhan kung bakit siya humihikbi.






Umiiyak ang bestfriend ko.

-------

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon