Chapter34- Together

5.3K 105 13
                                    

Matagal din na inilibot ni Nanay ang paningin niya sa buong unit ko. Mukhang hindi pa din siya makapaniwala na dito na siya titira. Wala siyang ibang dala dito kundi ang sarili niya na hindi naman problema para sakin, ipapamili ko siya ng mga bagong gamit niya bukas.

Isa pa sa dumagdag sa isip ko ay ang paglipat ko ng unit. Same building pa rin. Unit lang talaga. Ang alam ko kasi may mga available pa silang spaces na mas malaki kesa dito sakin. Iisa lang kasi ang kwarto ng unit ko, at medyo hindi ako komportable kung may kasama ako sa kwarto. Kung gagawin ko yun, ibebenta ko na lang siguro ang space na to.

Pero bahala na dahil mahaba habang isipan pa yan. Iniisip ko din kasi na malalayo ang unit ko kay Raven.

Naikwento na ng nanay ko ang ikinamatay ng tatay ko. Stroke. At nailibing na dalawang araw bago ang birthday ko. Hindi ko na inungkat pa ang iba dahil ayoko na ring ibalik pa ang nakaraan. Basta ang importante, magkasama na ulit kaming dalawa.

Umupo siya sa sofa at tumingin sa akin.

"Ang layo na nang narating mo, Chantal. Sobrang saya ko para sayo. Siguro masaya din ang tatay mo ngayon." Sabi niya.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya at saka ko siya niyakap. Mas mananaig pa rin talaga ang pangungulila ng isang anak sa kanyang ina. Kahit gano pa kalaki ang kasalanan niya sakin.

"Wag na kayong mag-isip ng kung ano-ano, Nay. Ang importante, magkasama na tayo. Kung ano man yung nangyari sa nakaraan, kalimutan na natin yun. Ang mahalaga yung ngayon. Magsisimula tayo ng bago, Nay." Sabi ko habang hinihimas ko ang likod niya. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Pero wala na ata akong i-iiyak pa. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon, masaya kami.

"Salamat, anak." Sagot niya.

Anak. Ang sarap sa pakiramdam.

Siguro mga isang oras pa kaming nagkwentuhan dahil nagtanong siya sa naging buhay ko. Kinuwento ko simula nang magkita kami ni Megan hanggang sa nangyari ngayong araw. Pero hindi lahat. Dahil kung lahat ikkwento ko, baka abutin kami ng dalawang araw dito sa salas.

Nasabi niya rin sakin ang ginawang paghahanap sa kanila ni Raven. Sa kanya din nakuha ni Raven ang baby pictures ko.

Hindi ko akalaing kayang gawin ni Raven lahat ng yun para sakin. Wala sa itsura niya. Hahaha.

Nasabi niya rin na boto na siya para kay Raven at nakikita niya naman daw na masaya ako dito. Kung alam niya lang kung gaano ka-impakto ang taong yun, pero mahal ko yun.

Matapos naming magkwentuhan, pinahiram ko muna ng t-shirt at pajama ang nanay ko at saka ko siya pinaderetso na sa kwarto para magpahinga. Nung una ay tinatanggihan niya pa at pinipilit niyang sa sofa na lang siya matutulog, pero wala na din siyang nagawa. Bago siya tuluyang mahiga, binati niya ulit ako at sinagot ko na lang ito ng ngiti at hinalikan ko siya sa noo.

Binalikan ko na ang mga inilapag kong gamit galing sa event kanina. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang phone ko. Ngayon ko na lang ulit ito nahawakan, hindi ko kasi hawak yung bag ko kanina sa party. Nagulat at napangiti ako nang makita kong iba na ang wallpaper ko. Yung picture kanina sa lobo, yung picture namin dun ni Raven, yun na yung lockscreen ng phone ko. Nakita ko rin na ang dami palang nagmessage sakin at may iba pang nagcall. Natawa naman ako nang makita ang homescreen ko, picture pa rin namin ni Raven, kanina habang magkaharap kami at kinakantahan niya ko. Medyo kinilig pa ko nang maalala ko kung ano ang nangyari kanina. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag dahil bukas ko na din balak sagutin ang mga nagmessage sakin ng bigla itong magvibrate.

Mahal na mahal ko...
Calling...

"Ang baduy talaga nito ni Raven." Nasabi ko sa sarili ko. Alam ko na na siya ang gumawa ng lahat ng to sa phone ko. Kasi corny. Imposibleng si Megan dahil nakita ko kanina kung gano siya kabusy sa boyfriend niya.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon