Chapter28 - The New Girl

4.9K 67 11
                                        


Baka kasama niya si Betinna.




Baka sila na ulit.



Baka napagtanto niyang pang-kama lang talaga ako at si Betinna ang pang seryosohan.



O kaya baka naman nakuha na ulit ni Betinna ang loob niya.



Yan ang mga baka na unang pumasok sa isip ko.





Pano nga kung lahat ng yon totoo?








Paano na lang ako?






"Sino ba kasi yuuuuuuuuuun?" Pangungulit ni Sev. Kanina pa siya tanong ng tanong pero hindi ko siya pinapansin. Sa kotse lang ako ni Raven nakafocus. Ayokong gawin to kasi alam kong mukha akong tanga pero iba ang sinasabi ng puso at utak ko.










Namalayan ko na lang ang pagtigil ng kotse. Pagtingin ko sa paligid, pumaparada na kami. Sobra akong napatuon sa kotse hindi ko namalayang pina-park na rin ni Raven ang kotse niya.




Muli kong tinignan ang paligid at saka ko nakita ang garden-style restaurant na nasa harapan ko. Bumalik ang tingin ko kay Raven. Nasa labas lang siya ng kotse niya at nakasandal sa pinto habang nakapasok ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalo niya at ang kaliwang kamay niya ay hawak ang phone niya.




Ano kaya kung tawagan ko siya?






Mabilis kong inilabas ang phone at saka dinial ang number niya.










Tooooot.. Tooooot.. Tooooooot..







Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at nakita ko na nasa tenga niya na ang phone at may kinakausap dito.








Segundo...





Segundo lang ang pagitan ng tawag ko at tawag ng taong kausap niya ngayon. Ang galing talaga ng coincidence. Very right ang timing ha. *insert the most sarcastic tone*







Iniangat ni Raven ang ulo niya at saka tumingin sa gawi namin. Napasandal ako sa upuan, hindi ko kasi maalala kung tinted ang sasakyan na to.










"Wag kang mag-alala, di niya tayo kita." Pang-aassure ni Sev. Napatingin naman ako sa kanya at napagtanto kong kanina niya pa pala ko pinapanood. Medyo na awkwardan ako kasi nadadamay siya sa kalokohan ko.







"Sige lang tuloy mo lang. Gisingin mo ko kapag kailangan mo na ng tulong ko." Muli niyang saad habang ibinababa ang sandalan ng driver's seat at saka bahagyang humiga at pumikit.









Grabe! Napaka bait naman nitong batang to. Naalala ko tuloy na hindi ko man lang naitanong kanina kung sino yung taong kinukwento niya na iniwan siya.









Ibinalik ko ulit ang atensyon ko kay Raven at nagulat ako nang naglalakad na siya papunta sa kotse namin.




Kita niya ba kami?





Magmumukha akong tanga kapag nakita niyang sinusundan ko siya.





Hindi pwede to.






Mas bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya ng papalapit.
Dahil lang to sa kaba. Sigurado ako.








Bababain ko na ba to?










Huminga ako ng malalim. Handa na kong buksan ang pinto, the moment na humkbang siya sa harap ng kotse na to. At eto na yun.










Binuksan ko na ang lock ng pinto ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya pero hindi siya tumigil sa harap ng kotse. Nilagpasan niya lang kami. Sinundan ko ang paglakad niya at napagtanto na hindi kalayuan samin, may isang babae na naghihintay kay Raven. Sigurado akong si Raven dahil nakatingin sila sa isa'isa.









At ang mas lalo kong pinagtataka..









Sino yung babaeng yon?









Hindi siya si Betinna.







Tinitigan ko pang mabuti para mapaniwala ko ang sarili ko na hindi si Betinna ang kasama niya.








Nang magkalapit sila, agad na nag-beso si Raven sa kanya. At para namang umakyat lahat ng dugo ko sa leeg ko. Oo leeg palang.






Beso lang yun, Hera. Beso palang kaya kalma ka lang.







Nakangiti sila ngayon sa isa't isa at mukhang may masaya silang pinaguusapan. Binuksan nung babae yung pintuan ng driver's seat at mula don ay may kinuha siyang isang white na folder at ibinigay ito kay Raven. Pagtapos non, naglakad na sila papasok sa restaurant na nasa harapan ko ngayon.







God knows how Im trying to fight the urge to get off this car and slap that Raven bastard.

Pero hindi. Hindi ako dapat maapektuhan. Isa pa, wala naman silang ginagawang masama kaya bakit ako maaapektuhan? At lalo pa, ano nga bang pakelam ko kung may gawin sila? Wala diba? W A L A.








Nalimutan kong may kasama pala ko ngayon at nasa kotse pa ko ng isang to. Pagtingin ko kay Sev, prente na siyang natutulog, at para mas makasigurado, mahina ko siyang kinalabit. Pero hindi siya nagising. Saglit ko muna siyang pinagmasdan at saka na naman bumalik sa ala-ala ko yung sinabi niya kanina.




'Mararamdaman mo lang ang halaga ng isang tao pag dumating yung araw na mawawala na lang siya bigla.'













Napaisip na naman ako. Pero agad ko itong pinalis sa utak ko dahil sa naalala ko din na andito si Raven na ang tagal ng hindi nagpapakita sakin at ngayon may kasama pa siyang babae.


Sumandal na lang ulit ako sa upuan. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

-----



Short update. ^^v ♥️

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon