Chapter32 - Operation: Mend Her Heart

5.1K 84 6
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong nagkausap kami ni Wayne. Sa isang linggo pa kami magkikita sa start ng shoot pero parang gusto ko ng umatras.




Ayoko nang makita pa siyang nasasaktan. Importante siya sakin. Pero hindi talaga kaya ng puso kong mahalin siya tulad ng pagmamahal ko kay Raven.






At si Raven, pagkatapos ng pagkakasalubong namin ng gabing yon, hindi ko na siya nakita pa ulit. May mga oras na gusto ko na siyang puntahan at tanungin kung ano na bang nangyayari, kung may mali ba kong nagawa o kung kamusta na siya, kung.... kung wala na ba talaga.






Pero alam ko sa sarili ko, na takot din akong malaman lahat ng kasagutan. Paano kung wala na talaga, kung nagsawa lang talaga siya, mas okay na ngang hindi ko malaman. Siguro karma na rin lang to. Dahil sa ginawa ko kay Wayne.











"HERA LEI SANCHEZ!!!!!"






Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko na bigla na lang bumukas at iniluwa ang isang baliw na babae.







"Uy, Lei. Gising ka na pala! Hahahahaha! Goodmorning!" Nang makita niya nakaupo na ko sa kama. Ano bang nakain niya?





"Ano? Naalala mo na ba?" Pagtatanong niya ulit sakin. Nung isang araw niya pa ko tinatanong ng ganyan. Paulit-ulit lang na ganyan. Pag tinatanong ko naman kung anong dapat kong alalahanin, puro din 'wala' ang sinasabi niya.





"Ano na naman bang problema mo?" Tanong ko sa kanya, umupo siya sa dulo ng kama, hindi kalayuan sa pwesto ng kinauupuan kong parte.







Ngumiti siya, at mas lalo pang umabot sa tenga niya nang bigla niya kong yakapin ng mahigpit.







"Hay, Leiiiiiii! Bibilhan kita ng memory gold mamaya. Pero mahal pa din kita! Hahahaha!" Ang saya niya, ano po?







Umangal na ko nung naramdaman kong humihigpit ang yakap niya, alam niyo na, naiipit at hindi ako makahinga. May balak ba siyang patayin ako?







"Me...egan, di ako makahingaaa."



Agad niya naman akong pinakawalan at saka siya lumabas ng kwarto.








Dapat na ba kong matakot sa kanya?











"Bumangon ka na jan, Lei!!! Gala tayo! Bangon naaaaaaaa!!!"


Napairap na lang ako sa hangin. Ang hirap mag-alaga ng bestfriend no?

---

Nakakapagtaka na kotse ko ang ginamit namin ngayon ni Megan. Ayaw niya daw gamitin ang kotse niya kasi wala daw siyang pang-gas? Napakagaling niyang magsinungaling no?








Wala siyang pang-gas pero pang shopping, meron. Kung ano anong binibili niya. Bumili siya ng dalawang swimsuit at dalawang heels, yung isa sinusukat niya habang yung isa pinapasukat niya sakin, may reregaluhan daw kasi siyang model na halos kasing katawan ko. Tapos ngayon may binibili siyang puti na dress, zuma style yung top and paballoon yung skirt niya. Parang pang barbie.








The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon