Chapter15- Chantal

7.5K 93 2
                                    

(Raven's POV)

Unti-unti kong nararamdamam ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam. Malamig at kalmado ang paligid. Dito ko muna dinala si Hera. Sa resthouse ko.

Nagulat ako sa hitsura niya ng buksan niya ang pinto kagabi. Ibang iba sa nakilala kong Hera. Hindi ko napigilang yakapin siya...

..Siguro dahil na rin sa awa.

Pagtapos non, hindi ko muna siya kinausap. Hinayaan ko siyang humiga at magpahinga. Nakatulog rin naman siya agad. Lumabas ako ng kwarto niya ng masiguro kong tulog na siya. Natulog na rin ako sa may sala niya. Hindi ko siya magawang iwanan. Nagulat na lang ako ng may tumapik sa braso ko at nakitang nakatayo si Hera sa harap ko, nakabihis. Pinilit niyang ngumiti sa harap ko. Hindi ko na pinansin yun.

"Ipasyal mo ko."

Yan lang ang sinabi niya sakin habang may pilit na ngiti sa labi. Agad akong napatayo. Naligo lang ako saglit. Inisip ko pa rin kung san ko siya dadalhin dahil sa tuwing tinatanong ko siya kung saan niya gustong pumunta...

"Ikaw ang bahala. Kahit saan."

Pinagbalot ko siya ng konting damit. Wala man lang akong narinig miski isang reklamo. Miski sa byahe, natulog lang siya. Hinayaan ko na rin siya.

Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sakin ang lahat. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Katabi ko siya ngayon. Nasa may tapat kami ng dagat.

Tulala, mahina at nasasaktang Hera ang nakikita ko ngayon. Hindi na siya umiyak pagkatapos ng kagabi. Pero makikita mo naman sa ekspresyon ng mukha niya yung sakit. Hindi ko makita yung palaban at malditang Hera. Kung ngingiti man siya, pilit naman. Katabi ko nga siya, pero parang ang layo-layo niya sakin.

Alam kong kailangan niyang mapag-isa, kaya tumayo ako at tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom. Tango lang ang naisagot niya sakin.

Agad akong bumalik sa loob ng bahay.

Ano ba ang dapat pinaiinom sa may problema? Alak? Jusme. Alas-8 pa lang ng umaga, alak agad? Kape na lang siguro.

Nagtimpla ako ng kape. Palabas na sana ako ng madaanan ko ang guestroom kung saan ko inilagay ang mga gamit ni Hera. Diyan din muna siya matutulog. Napatigil ako ng may marinig akong natunog. Binuksan ko ang pinto at nakita kong umiilaw ang phone niya sa kama.

*Megan Calling...*

Hahayaan ko na sana nang maisip ko na kailangan siya ni Hera ngayon. Kaya sinagot ko na.

*Hello? HELLO LEI!*

Bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko dahil sa tining ng boses niya.

*ahsjdbduf--- Hoy Lei?! Di ka ba sasagot diyan? Sabi ko, ilang beses na kitang tinatawagan magmula kahapon at di ka man lang nasagot! So, pamiss ang peg ganon? Ano ba----*

Pinutol ko na ang pagsasalita niya. Wala namang kwenta ang pinagsasasabe niya-.-

"Hindi ako si Hera. Si Raven ----"

Muli ko na namang nailayo ang phone ng sumigaw na naman siya sa kabilang linya. Kung di lang siya kailangan ni Hera baka kanina ko pa to binabaan.

*HOY LALAKING MAS GWAPO PA KAY APOLLO! BAKIT IKAW ANG MAY HAWAK NG PHONE NG BESTFRIEND KO?! MAY GINAWA KANG MASAMA SA KANYA NO?! UMAMIN KA! TATAWAG AKO NG PUL---*

"Will you please shut your freaking mouth?!" i said stopping her bullsh*t mouth.

*Eh Bakit nga kasi ikaw ang may hawak ng ph---*

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon