Chapter33 - Operation Success

6.7K 159 14
                                        

Kanina pa ko takbo ng takbo ng takbo pero hindi ko mahanap ang kalsada. Nawawala ako sa isang, di ko malaman kung garden lang to o bukid. Pero imposible namang mawala ako sa garden diba, pero yung pagkakaayos niya, hindi mo aakalaing bukid lang talaga. Sobrang alaga ng lahat ng halaman. Yung mga puno, punong puno ng mga bunga at may mga halamang bulaklak din ang nakapaligid sakin.






Sobrang ganda dito. Kaso naisip kong mas maganda siguro kung kasama ko dito si Raven. Kaya naisipan kong hanapin ang daan palabas. Babalik ako dito, kasama ko na si Raven.







Pero wala nga eh. Naliligaw ako. Kanina pa ko takbo ng takbo suot ang puting dress na to at heels. Nakakapagtaka na hindi rin ako nakakaramdam ng pagkapagod.





Unti unting dumidilim. At kada segundo, may nawawalang mga puno. Oo nababawasan ang mga puno.







Nawawala ang ganda ng lugar. Nagiging malungkot. Oo, sobrang lungkot.






Napaupo ako sa lupa habang pinapanood lahat ng nangyayari sa kapaligiran.







"Chantal."













Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero muli akong tumayo at hinanap ko ang boses. Mula sa di kalayuan, may isang parte ng lugar ang sibrang nagliliwanag. Tumakbo ako papunta sa parte na yun.






Nakita kong maaliwalas pa rin ang paligid dito sa parteng to. Hindi dumidilim. Sobrang ganda.








"Tatay!"




Nakita kong may isang batang babae ang tumatakbo palapit sakin.






Ako ba ang tinatawag niyang tatay?







Pero mali pala ang inaakala ko. Nilagpasan niya lang ako kaya sinundan ko na lang ng tingin yung bata. Nakita ko na may lalakeng may edad na ang tinatawag niyang tatay.





Sobrang pamilyar ng lalaking yun sakin.






"Chantal, anak." Pagtawag niya muli sa bata.







"Tatay." Niyakap siya ng bata at umiyak sa balikat nito.









"Tahan na, nak. Andito si Tatay." Habang inaalo ang bata.









Pilit kong inaalala kung sino ang lalaking yun. At yung bata, may kamukha siya eh.








Lumuhod yung matandang lalaki para mapantayan niya ng tangkad yung bata. Pinunasan niya ito sa pisngi at saka ngumiti.








"Ang laki ng kasalanan ni Tatay sayo, anak. Hindi ko alam kung pano ko to pagbabayaran paglipas ng panahon. Sobrang pinagsisisihan ni Tatay yon. Lalo na nang umalis ka sa puder namin." Napapitlag ako ng biglang lumingon sakin yung lalake at unti unti namang naglaho ang imahe ng bata.





"Chantal." Pagtawag niya sakin. Hindi ko alam kung anong pwersa ang humihila sakin pero kusa akong lumapit sa kanya.








"Tay." Kusang lumabas yan sa mga bibig ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.







The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon