Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Basta ang alam ko lang, kumpleto pa rin ang damit ko sa katawan at kailangan ko nang hanapin ang bag ko para makaalis agad ako dito. Hindi akin ang kwartong to. Pero alam ko kung kanino to.
'Alam na alam ko.'
Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras. Agad akong tumayo sa kama, pero napaupo rin ako sa gilid nito at napahawak ako sa sentido ko.
'Damn! Ilang bote ba ang nainom ko at wala akong maalala?'
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Pero wala talaga. Basta ang alam ko, pagtapos namin mag-ano ng lalaking hindi ko kilala, inabot niya lang sakin ang bayad tapos pumasok na ulit ako sa loob ng bar. Tapos umorder ako ng tatlong shot ng Tequila. Tapos...
Tapos....
Ugh! Di ko talaga maalala!
Sinubukan ko ulit tumayo. Sa pagkakataong ito, pinilit ko ng hindi indahin ang kirot ng ulo ko. Kailangan ko na talagang umalis dito.
*clack.clack*
Palabas na sana ako nang biglang kong marinig ang tunog ng pinto.
'Bakit ba kasi sa dami ng tao, siya pa? Bwisit.'
Ibinato ko palayo ang bag na hawak ko saka ako tumalon pahiga sa kama at pumikit.
.
.
.
.
.
"Hera Lei, sa susunod kung susubukan mo ulit bumalik sa kama at magtulog-tulugan, hinaan mo lang ang pagbato ng bag mo at siguraduhin mong nandun yun kung saan mo siya nakuha. Bumangon ka diyan." utos niya na parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. Sira ulo ba siya? Hindi kaya malakas yung pagbato ko sa bag. Inislide ko lang kaya :3
"Papanindigan mo yan?" tanong niya ulit nung hindi pa ako tumatayo.
Nonsense. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at kusang sumimangot ang mukha ko habang siya naman nakapamewang sa dulo ng kama at nakangising nakatingin sakin.
Pabuka na sana ang bibig niya pero inunahan ko na siya bago pa siya makapagsalita.
"PAANO AKO NAPUNTA DITO SA BAHAY MO? STALKER KA TALAGA EH NO?!"
He chuckled. Pinadaan niya rin ang index finger niya sa baba ng ilong niya at saka nagpapungay ng mata.
"Correction, Hera Lei. Really? Stalker? Pang-pangit lang yun diba? More like a secret admirer." at saka siya ngumisi.
"Wag kang ngumisi. Mukha kang papatay ng tao, Wayne. Parang gag*" mataray kong sagot sa kanya at pero hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Nakangisi pa rin siya.
.
.
.
"Kunyari 'I love you' na lang yung narinig ko. I love you, too."
"Ge. Paniwalaan mo yan." napabuntong-hininga na lang ako sa sagot niya. Grabe talaga siya. -.-"
Nakatayo lang siya sa dulo ng kama tapos nung umupo siya, tumayo naman ako at pumunta sa kung saan ko naihagis yung bag ko. Pinulot ko na yon at nagtungo papunta sa pinto. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko lang si Wayne na sinusundan ako ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/5740014-288-k602249.jpg)