Chapter25 - Waiting Lane

6.1K 78 4
                                    


3 weeks na. And hindi lang basta basta to dahil never akong nadelayed.





"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Raven yan ng hindi ka namomroblema jan."



"Tumigil ka nga, Megan. Anong sasabihin ko kanino?" Iritang tanong ko sa kanya.



Mabilis magpanting ang tenga ko twing naririnig ko yung pangalan na yon. Siguro dahil na rin sa alam ko na siya ang huli. Siya ang huli kong nakasama sa kama. At oo, may posibilidad na may kinalaman siya sa pagkakadelayed ko. At yun ang kinaiirita ko.

Muli ko na namang narinig ang mga salitang kumawala sa bibig ko ng gabi na yon.





'I love you, Raven.'






Kasabay nito ang pabilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa kaliwang parte ng dibdib ko at saka pinakiramdaman yung puso ko na akala mo gusto kumawala sa katawan ko.





Ganto lagi ang nangyayari sa tuwing muli kong maririnig mula sa mga alaala ko ang mga katagang pinakawalan ko. Lalo na kapag sumusunod don ang mga salitang isinagot sakin ni Raven.



'I love you too, Hera.'






Sa totoo lang, hindi ko alam kung nananaginip na ba ako nun o talagang sinabi niya sakin yun. Hindi rin naman kasi ako makapaniwala kung tutuusin lalo pa't alam ko na kahit kailan, pwedeng magkabalikan sila ni Bettina.






Pagkatapos din ng gabing yun, napadalas ang pagkain naming dalawa sa labas. Lagi kasi siyang nagyayaya, minsan dinner, madalas after ng shoot namin pag nagkakasabay kami. Marami ang nakakapansin pero wala akong pake, wala din naman kasing kelangang pansinin.

Sa mga panahong yun, aminado akong nawala si Wayne sa sistema ko.



Sa mga panahon din yung, unti unti ng pinapasok ni Raven ang sarili niya sa buhay ko.




Pero masyadong komplikado ang lahat. Alam kong hindi pwede. Dahil baka sa huli, ako rin ang masaktan at maiwanan. Baka sa huli, ako ang matalo.






"Nagtry ka na bang mag-PT?"


Umiling ako at humiga sa sofa at saka ko ipinikit ang mga mata ko.







Wala sa isip kong napahawak ako sa tiyan ko ag saka hinimas himas yun.

'Pano kung tama nga yung hinala ko? Pano kung may nabubuo na nga sa tiyan ko? Pano kong sasabihin to kay Raven? Pano kung hindi siya maniwala at ideny niya to? Pano kung si Bettina pa rin pala ang laman ng puso niya.'





Napaparanoid ako. Di ko pa man alam kung tama ba o hindi ang hinala ko, sobrang daming tanong na agad ang nabubuo sa isip ko.







Tinabihan ako ni Megan sa upuan. Humarap ako sa kanya saka niya hinawakan yung kamay ko.




"Kapag umabot ka ng ika-apat na linggo at wala pa rin, mag PT ka na, kung ayaw mo naman, sasamahan naman kitang magpacheck-up. Kung mag positive man, eto lang, Lei, sabihin mo yan kay Raven, akuin man niya o itanggi niya kailangan niya pa rin yang malaman lalo pa at sigurado ka na sa kanya yon." Seryosong sabi ni Megan.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon