Meron pa bang hindi pa nakakakita ng TWG BS Compilation na gustong basahin yun? Sabihin niyo lang sakin kung di niyo makita ha. Thankyou :*
---
"Gin, wine, champagne, cocktail, tequila, margarita or a glass of cold beer? Name it." Tanong ni Wayne sakin pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa sofa.
"Tigilan mo ko, Wayne. Ilabas mo lang kung anong meron ka jan." At saka ko siya inismiran tapos ngumiwi siya.
"Supla-suplada, iyakin naman." Narinig ko yung napakalakas niyang bulong or kung matatawag ko ngang bulong yun o pang-aasar lang.
Nag-makeface lang ako sa kanya nang tumalikod na siya at pumunta sa kitchen niya. Wala siyang mini bar hindi naman din siya gaanong pala-inom o hindi ko lang alam. Inihiga ko ang likod ko sa arm rest ng sofa at ipinuwesto ko naman ang dalawang paa ko sa dulo ng upuan, in short, sakop ko yung buong upuan. Nakita ko namang naglalakad na ulit si Rave-- I mean Wayne.. papunta dito habang yakap yung mga bote ng beer na sa tingin ko ay nasa apat at isang bote ng Vodka, I think.
"Malalim ang iniisip?" Sabay snap niya right infront of my face at sinimangutan ko lang siya. Inilapag niya yung hawak niya at nag-indian sit sa may carpet.
Nagbukas siya ng dalawang beer at saka iniabot sakin ang isa. Umayos din siya ng upo at saka tumingin sakin.
"Is it about your parent's expectations, again?" Napangiti ako. Naging labasan ko na rin kasi ng problema si Wayne simula pa lang nung magkakilala kami. Actually, kaya rin siguro sobra kaming naging close to the point na ang akala ng iba eh may something samin.
Sana nga dahil na lang kay Mama at Papa kaya ako nagkakaganito ngayon kaso hindi.
"What's with the bitter smile?" Napabuntong-hininga na lang ako at saka ko siya sinagot.
"No. So far wala pa naman akong problema kena Mama. But how I wish na sana sila na nga lang ang pinoproblema ko." Sabay inom sa hawak kong beer.
"Then I guess.." Uminom siya at nabigla ako dahil halos kalahati agad ang ininom niya. "My so-called kinakapatid, right?"
Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang kinakapatid, then I remembered, kinakapatid niya nga pala si Raven.
"What happened?" Tanong niya ng hindi pa ko sumasagot.
Parang may bumara naman sa lalamunan ko nang maalala ko kung anong nangyari. Feeling ko umakyat na naman lahat ng tubig ko sa katawan papunta sa ulo ko at anytime pwedeng bumuhos ang luha ko. Napakagat na lang ulit ako sa pang-ibabang labi ko at napahigpit ang hawak ko sa bote ng beer. Naramdaman ko rin ang paninikip ng dibdib ko at lumalim lalo ang paghinga ko. Napayuko ako ng maramdaman ko na lang na tuluyan ng kumawala muli ang mga luha ko. Mula sa pagkakaupo, narinig ko ang paglapag ng bote ni Wayne sa table. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka pilit na ngumiti. Saktong pag-angat ko ng tingin ang paglanding ng balikat niya sa mukha ko.
Niyakap na naman ako ni Wayne habang hinihimas ako sa may likod. Hindi ko na ulit napigilang umiyak. Bakit ba mas lalong nakakadala ng feelings pag may yumayakap sayo para damayan ka sa nararamdaman mo?
Feeling ko sasabog ang puso ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Nagbalik sakin lahat ng ala-ala. Mula sa pakikipagbreak ko sa kanya hanggang sa pag-reject niya sakin kanina.