Chapter6- Real Side

13K 117 3
                                    

---

I pinched my self several times and it disappoints me everytime I feel the bit of pain.

How the hell did this happen? Bakit sa dami ng tao??

I knew it!! Umpisa pa lang alam ko na eh! Kaya pala sobrang pamilyar ng nga mata niya. Kaya pala komportable ako sa bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko.

Wow, just wow. Sinusubukan ba talaga ko ng tadhana? Bar, clubs and alcohols are never Wayne's forte. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makasalamuha ko, siya pa? Grabe, nakakatawa. Nakakatawa talaga. Nyemas.

"Hera, you're idling. Believe it or not. It's me." tuluyan siyang pumasok ng kwarto at sinara yung pintuan, nagtaka pa ako ng i-lock niya ito.

"It isn't believe it or not, Wayne. It whether I like it or not." Pagtatama ko sa mga huling salitang binigkas niya, samahan mo pa ng irap factor para mas dama niya.

"And, open that door, Wayne!" Agad kong sigaw nang maalala kong nilock niya ang pinto. Better safe than sorry.

Iiling-iling siyang naglakad papunta sakin.

"After we talk, Hera. Or maybe after another ro—"

"WAYNE!" feeling ko uminit bigla. At kusa kong natawag ang pangalan niya bago niya pa matapos ang katakot takot niyang sasabihin. Gosh! I don't even want to remember what had happened last night, tapos eto siya at humihingi na naman ng pangalawang round??

Sanay naman ako sa mga ganyan, but not when those words came from him, never him.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig lang siya sakin na may ngisi sa labi. And goddamn, why does he have to be so sexy?

Na-conscious tuloy ako bigla at wala sa sariling nasuklay ko ang buhok ko ng mga daliri ko. Shemay, lakas ng loob kong magtataray dito, di ko rin naman ikinaganda.

Narinig ko siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?" Agad ko siyang siniringan at binato ng unan. Nakakainis naman kasi. Bakit ba feeling ko ang panget ko pag siya ang kaharap ko. "May nakakatawa ba ha?"

At ayun na nga, nagdilim na ang paningin ko at napatay ko na siya.

Pero siyempre joke lang yun. Medyo papunta pa lang don. Paano ba naman? Mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya. Ang gwapo— este ang gag* niya. Bwiset.

Tinignan ko siya ng masama. Baliw na to.

"BAKIT KA TAWA NG TAWA?!" Full-force ng lalamunan kong tanong sa kanya.

"HERA! What the hell are you thinking?! You are red! Literally, your cheeks are!" Tapos tumawa na naman siya habang itinuturo yung mukha ko.

Napahawak na naman agad ako sa pisngi ko. Uminit na naman. Ibig ba sabihin nung red, hot ako?

May kinuha siya sa cabinet niya tapos bigla niya na lang ibinalandra sa mukha ko.

Bastos to ah!

Salamin pala. Pero pag tingin ko..

What the hell?? Bakit may kamatis na nakasimangot akong nakaharap sa salamin??

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon