Chapter14- Pain Hatred Revenge.

8.2K 95 2
                                        

------

"Nay, saan po kayo pupunta?" nakita kong nakabihis na ang Nanay pag-uwi ko. Galing ako sa school. Exams namin at pagod na pagod ako.

Binaling ko ulit ang atensyon kay nanay, nagsusuklay siya sa harap ng aparador namin na may salamin.

"Aalis muna ako at may papakita daw na bagong pagkakakitaan sa akin ang Tiya Lerma mo. Mabuti nga at makita, baka mamaya yumaman tayo dahil doon." pagbibiro pa ni Nanay.

Lumapit ako sa kanya at nagmano. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin at halikan sa noo. Tinignan ko siya sa mata at nginitian ko siya.

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Ang ganda talaga ng anak ko. Manang-mana sa nanay! Hala! Magbihis ka na doon at alam kong pagod ka sa klase."

"Sige po nay!"Lumabas ako ng kwarto nila at nakita ko si Tatay na nakahiga sa sofa at nanonood ng T.V. Nilapitan ko siya at nagmano ako sa kanya.

Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Ang ganda naman ng anak ko." sabi niya at natawa naman ako.

"Oh, bat ka natawa?" gulat niya pang sabi.

"Eh kasi, Tay. Yan din yung sinabi sakin ng Nanay kanina. Bagay talaga kayo." biro ko pa at ngumiti naman ang tatay.

Hinila niya ako sa bewang at iniupo sa kandungan niya. Medyo awkward. Huli kasing beses na kinandong niya ko e nung bata pa ko. Pero simula ng magdalaga ako, di niya na ako kinandong pa.

"Bonding ba to ng mag-ama?" sabi ni nanay na nasa tapat ng pintuan.

"Namimiss ko lang ang anak nating maganda." sagot naman ni tatay.

"Na nagmana sakin ano? O siya sige. Alis na ko ha! Mag-uuwi na lang ako ng hapunan natin." at tuluyan ng lumabas ng pinto si Nanay.

Nakangiti lang ako. Sobrang saya kasi sa pakiramdam kapag ganto ang pamilya. Walang problema. Kaya nga laking pasasalamat ko na binigyan ako ng Diyos ng ama at ina na katulad nila.

"Ang bango naman ng anak ko." nakaligtaan ko na nakakandong ako kay Tatay. Naramdaman ko yung bigote niya sa leeg ko at nakiliti ako kaya napahagikgik ako.

"Aba. May kiliti ka pala sa leeg." at yun. Hindi na ako tinigilan pang kilitiin ni Tatay sa bewang. Tawanan lang kami ng tawanan at pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa tiyan ko. Napahiga ako sa sofa na kaninang hinigaan ni tatay at hingal na hingal ako habang nakatingin siya sakin. Yung tingin niya parang sagad hanggang sa kalooblooban ng katawan ko. Pero di ko na lang pinansin yun.

Hanggang sa magsalita siya.

"Parang dati lang neneng nene ka pa eh. Ang liit mo pa nun. Ngayon ang tangkad mo na at nagkaroon na ng hugis ang katawan mo." napaigtad ako ng haplusin niya ang medyo may kalusugang dibdib ko. Pero dahil ama ko siya, hindi ko yun binigyang malisya. Pero ng tumagal na ang paghaplos niya sa dibdib ko, nailang ako kaya tumayo ako at nagpaalam na magbibihis lang ako. Hindi niya ako pinagilan at derederetso rin akong pumasok sa kwarto ko. Nang magsusuot na ko ng damit pambahay, biglang pumasok ang tatay sa kwarto at naupo sa kama. Hihilahin ko pa lang ang kumot ng bigla niya itong itabi sa likuran niya.

Kinabahan ako. Pero sa pagkakakilala ko sa tatay ko, alam kong hindi niya magagawang gawin ang bagay na gumugulo sa isip ko ngayon.

Kaya nginitian ko na lang siya.

The Wild GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon