Pakinggan niyo yung Halaga ng Parokya ni Edgar habang binabasa niyo to. Para mas malakas yung impact. Dali!!
---------------"Sigurado ka bang okay ka na?" Tanong niya sakin.
"Oo. Wala yun. Ano ka ba. Sobrang layo sa puso." Sagot ko habang nagpapahid ng luha. Pumunta ako sa kusina para maghanda na ng makakain. Narinig ko naman siyang tumawa.
"Kahit kailan ka talaga, Hera Lei Sanchez. Malayo ba sa puso? Oo, mukhang malayo nga sa puso, kasi tumagos eh. Mukhang malayo nga ang narating." Sabi niya at saka siya umupo sa may tapat ng mesa at nangalumbaba.
"Ha?" Sagot ko na lang kasi hindi ko nagets yung sinabi niya. Kayo ba nagets niyo?
"Wala. Sabi ko ang lobo, kung hindi mo hihipan at lalagyan ng hangin, e hindi lolobo. At napakaimposible ding pumutok." Sabi niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Grabe! Pati yung nananahimik na lobo dinamay niya.
"Ikaw ba, okay lang ba?" Mula sa pag-aayos ng mga gagamitin, humarap ako sa kanya at bahagyang itinabingi ang ulo ko habang nakakunot ang noo. Tinawanan niya lang ako at saka binunot ang phone niya sa bulsa niya. Hindi niya na ko pinansin, nagkalikot na lang siya don.
Medyo na-awkwardan ako kasi habang nagluluto ako, alam kong pinapanood niya rin bawat galaw ko. Hindi ko na lang siya pinapansin, pero ramdam ko pa rin talaga yung titig niya. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paghihiwa ng sibuyas nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Ibinaba niya ang ulo niya sa balikat ko kaya ramdam ko ang paghinga niya.
"Miss na miss na kita, Hera Lei. Kung alam mo lang kung gano ko katagal hinintay na bumalik tayo sa ganto. Kung alam mo lang kung gano ko kagustong mayakap ka ulit. Namimiss ko na yung dating tayo. Yung kulitan at asaran. Miss na miss ko na yung dating Hera Lei. Yung hindi ako matiis, yung pikunin, iyakin at yung masayang Hera Lei. Paunti-unti ka ng bumabalik. May isang kulang na lang... Yung totoong ngiti mo na kahit kailan hindi ko na nakita." Nararamdaman ko ang sinseridad sa boses niya. Pero sinubukan ko pa ring makawala sa yakap niya, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko.
"Pwede bang kahit sandali payagan mo naman akong pumasok sa buhay mo? " Humawak na lang ako sa kabila niyang braso.
Bakit nga ba hindi na lang si Wayne ang minahal ko? Bakit pa ko nahulog sa iba ngayon gayonpaman eto na sa tabi ko yung taong alam kong kaya akong mahalin higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko?
Bakit ba tumitibok ang puso sa maling tao?
Natapos namin ang hapunan ng walang imikan. Hindi naman kami magkagalit. Pero hindi ko alam kung bakit parang ang hirap saking magsalita. Bakit pakiramdam ko, ang laki ng kasalanan ko kay Wayne? Nasa pareho kaming sitwasyon ngayon. Nagmamahal kami ng mga taong hindi naman kami kayang mahalin.
Yung nararamdaman ko ngayon kay Raven, ganun din kaya ang nararamdaman niya sakin ngayon?
Alam ng Diyos kung gano ko kagustong mahalin na lang si Wayne. Pero ang hirap eh. Hindi kayang labanan ng utak ko ang nararamdaman ng puso ko.
Nagliligpit ako ngayon nang marinig ko siyang magsalita. Pero hindi ako ang kausap niya. Mukhang may kausap siya sa telepono.
"Wait, what happened? Tell me." Sakto na iisang pinggan na lang ang hinuhugasan ko kaya nang matapos, medyo lumapit ako sa bukana ng kusina at nakinig.