Sabi ko 'We'll meet sooner.' Pero hindi ko naman akalaing sobrang bilis naman ng sooner na yun. Ngayon nandito ulit siya sa harapan ko, at makakasama ko pa siya for how many days.
"But ofcourse, I am going to formally introduce you to her. Ms. Eurica Pallejo, meet your Rexton Quinto, Mr. Wayne Asuncion."
Diba? Why so soon?
Nagpeace sign siya sakin.
Okay ang cute niya don.
Erase. Erase.
Inirapan ko lang siya. But somehow thankful na rin ako kasi hindi ko na kakailanganin pang mag adjust. And isa pa, binigyan niya ko ng trabaho. Kundi dahil sa kanya, tengga pa rin ako sa unit at baka iniisip ko pa rin si Raven.
"Paano, maiwan ko na kayo at may aasikasuhin pa rin akong ibang roles. I'll be looking forward to your loveteam. See you!!" Umalis na si Direk pagtapos non. Naiwan kami ni Wayne. Si Megan naman nakaupo sa isang gilid at nakatingin samin. Siguro miski siya puzzled. Napagpasyahan na rin namin umalis sa stage ni Wayne kasi lahat ng mata nila samin nakatingin. Sinalubong ako ng manager ko pagbaba.
"O my gosh, Hera! Artista ka na! Im so proud of you! Congratulations!" Niyakap niya ko.
"Thank you." Sagot ko.
Nakita ko namang tumayo si Megan at naglakad na papunta samin.
"Nathalie." Pagtawag ni Wayne kay Megan ng makalapit ito sa amin.
"Hello, Wayne." Sagot ni Megan pagtapos niyang makipagbeso dito. "Kaya naman pala si Lei ang iniinsist eh, ikaw naman pala ang leadrole. Di na ko magtataka." Sabi niya pa.
"I know Hera Lei. I know she could do this role very well. I trust her." Tumingin siya sakin and nakangiti, maybe for assurance.
Medyo ang awkward kasi naaalala ko pa kung ano yung mga sinabi niya sakin ng huli kaming magkita. Baka kasi patuloy pa rin siyang umasa.
"Asus!!" Hinampas siya ni Megan sa braso. Kahit kailan talaga tong babaeng to. "You trust her? More like you love her! Diba?" Tinuro pa niya ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siguro sa susunod tuturuan ko siya kung paano ang pagpreno sa dila, pwede din namang putulin ko na lang talaga yung dila niya.
Nakita ko pa sanang magsasalita si Wayne pero inunahan ko na siya kesa naman sa mapunta sa kung saan yung usapan nila.
"Kain na tayo, Megan." Pag-aaya ko. Gusto ko ng halo-halo kasi sobrang init. Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Megan.
"Uhmmm, Lei. Sorry. Yun nga sana yung sasabihin ko sayo eh. Paalis na rin ako kasi may usapan kaming dinner ng boyfie ko. So I really have to go. I'll make bawi na lang sayo next time promise!" May nalalaman pa siyang pagtaas ng kanang kamay niya.