Kate's POV
"Whaaaaatt!??"
Ayan nanaman yang what na yan. Halos kada salita ko may sagot silang 'what'! ganun na ba ka lala yung pagka bingi nila?
"Ang sabi ko napagkamalan ni kuya na si Mr. Cordova si--"
"Wag mo ng ulitin hindi kami bingi."
Bakit ba nila dine deny? maiintintihan ko naman sila.
"Sabi ko na nga ba at parang may mali diyan sa Alec na yan eh"
"Pero we're not sure naman June eh. Maybe that Alec happens to be Kate's stalker."
"Teka, diba nabanggit daw na secret agent yung Alec na yun? Baka kaya siya nandun ay dahil iniimbistegahan niya yung Mr. Cordova? Eh diba international multi billionaire yun? Baka kaya ganun kayaman ay dahil miyembro ng sindikato." paliwanag naman ni May
Sindikato?
"Oh my gosh! If that's the case.. your life's in danger Kate!" niyugyog pa ako ni April habang sumisigaw
Ano? Ranger?? Sira talaga tong si April. Sabi ng ayoko ng action figures eh.
"Kate you need to be careful. Wag ka muna pumayag. Kailangan madelay yung kasal habang hindi pa natin nalalaman kung anong meron sa Mr. Cordova na yan." bigla naman akong napatingin kay June dahil sa sinabi niya.
--Flashback--
Nasa kwarto ako at kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa aking bestfriend.
"Winnie alam mo bang ikakasal na ako? Hindi pa no? Pwes ngayon alam mo na. Tapos Winnie kapre yung papakasalan ko! Haay naku. Mukha pa naman siyang masungit.. Ah alam ko na! ikaw ang flower girl ko ah? hihi ano kayang magiging design ng gown ko? Sana yung paballoon para magmukha akong prinsesa hehe. Tapos may mga bubbles tapos yung mga bisita may pakpak tapos--"
*Door Opens*
"Dianne.."
"O kuya. Bakit po?"
"Napadaan ako ng grocery kanina kaya ibinili kita ng paborito mo" sabay abot sakin ng plastic bag na may lamang..
"Waaaah! Chocolates and strawberries!!" halos magningning na yung mga mata ko sa sobrang saya!
"Oh. Haha dahan-dahan baka mabulunan ka"
"Ang*chomp*sharap kashi eh *chomp*"
"Haha ikaw talaga. Nga pala Dianne pakipirmahan naman to." saka niya inabot sakin ang isang envelope. Itinuro niya sakin kung saan pipirma kaya pumirma na rin ako. Saka ako may biglang naalala.
"Kuya kailan nga pala yung kasal?"
"Ngayon."
"Ngayon!? Waaah! Kuya nasan yung gown ko? Nandun na ba yung mga bisita? Eh yung pari? Nandun na ba? Hala kuya sinong maghahatid sakin sa altar??" nakatayo lang si kuya at malungkot na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...