Maylene Daelman guys :')May's POV
"May, kung wala kang balak sagutin yan i-off mo nalang pwede ba? Maingay eh."
"Yeah. I can't concentrate on my review kaya."
Tiningnan ko siya ng masama "Edi lumayas ka sa harapan ko"
Tinaasan niya ako ng kilay "Why me? Si June kaya unang nag-complain!"
"Eh sa ikaw ang gusto kong palayasin eh. May angal ka??"
"Whatever Rose May" Padabog na umalis siya sa sala at pumasok ng kusina. Gaga talaga yan eh. Tinatawag akong Rose May dahil may mga nagbigay ng rose sakin nung highschool kami.
"Mga punyeta." narinig kong bulong ni June habang nagbabasa ng libro pero di ko na pinansin.
Hindi naman yan katulad ni April na mabilis mainis. Makikipag-balagtasan talaga yan pag sumagot ako. Mapapagod lang ako.
*phone rings*
Tinitigan ko lang yung phone kong ngumangawa sa center table. Tapos tumingin ako kay June na nakatingin ng masama sakin.
"Ano??"
Bigla niyang kinuha yung phone ko kaya napalundag ako agad sa tabi niya. "Oo na sasagutin ko na!"
Ti-nap niya muna yung 'accept' button bago binigay sakin. Siraulong 'to!
[May..]
Yung tono niya parang nakakita ng alagang aso na matagal na nawala. Aso na may alagang aso. Ahaha-- tss. Muntanga.
"Nagrereview ako pwede ba?? Istorbo ka!"
[Alam kong nagrereview sila June.. pero ikaw hindi]
"Gago ka ah! Sinong siraulong baliw ang nagsabi sa'yo niyan??"
[Si Miss Kate. Sabi niya mas gusto mong paglaruan yung kutsilyo mo kesa magreview]
Napahawak ako ng mahigpit sa kutsilyo ko. Ang gagang babaeng 'yon! Ang daldal!
[May.. Lumabas ka please mag-usap tayo]
"At bakit ako lalabas? Ano ako tanga??" sabi ko habang naglalakad palapit sa bintana
Kinakabahan ako!
Putek! Feeling highschool ang drama ko dito
[May please may sasabihin lang akong importante sa'yo] nakakaawa yung boses niya. Mag-uusap lang naman kami diba?

BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...