Kate's POVNakatayo lang ako sa gitna ng hagdan at nakatingin sa sala namin. Andaming mga lalaking palakad lakad na nakasuit at akala mo kanila yung bahay ni Alec. Daig pa nila supervisor. Para naman silang--
Oh.my.ghad!!
Kumaripas ako ng takbo sa taas papunta sa kwarto ni Alec. Nadatnan ko siyang nakadapa, walang damit pang itaas at naka boxers. Napatingin ako sa aircon. Naka maximize naman ah?
Sumampa na ako sa kama at niyugyog siya. "Alec gising!" dumilat siya saglit pero pumikit agad nang makita ako. "Alec gumising ka! Nagkakaroon na ng alien invasion!!" oh my gosh! Kinakabahan ako! Feeling ko anytime magha- hyper ventilate na ako !
"What??"
Bakit ba ha? Bakit ba sa lahat ng pagkakataon laging umiiral ang kabingian nitong taong to?? Hindi ba siya pwedeng pumili ng ibang pagkakataon? Ngayon pa talaga?? Haay!
"Alec tumayo ka na dyan dahil may Men In Black sa baba! Sa tingin ko naghahanap sila ng alien! Kumilos ka na dali!" hinila ko siya patayo para lang bumangon siya.
"Men In Black?" tanong niya habang papasok sa walk-in closet niya "Oo kaya dalian mo! Baka mamaya pagbaba natin nahuli na nila yun!" hindi ko talaga maiwasang maexcite. Makakakita na ako ng alien! Magseselfie ako kasama yun! Hihihi
Paglabas ni Alec ay nakasuot na siya ng maluwag na pants at fitted na white shirt. Hinila ko siya agad palabas at tumigil kami sa gitna ng hagdan. Nakita namin yung Men In Black na patuloy lang sa paglalakad at kung anumang ginagawa nila.
"Oh ayan Alec! Kita mo na? Sabi ko sayo may alien invasion eh!" sabi ko sa kanya na malawak ang ngiti. Kaso ang tagal naman. Anong petsa ba nila mahuhuli yung alien na hinahanap nila? Ganun ba yun kahirap hulihin at inaabot sila ng--
"Pffft!"
Nawala ang ngiti ko at lumingon sa tabi ko. Nakita ko si Alec na nakatakip ang isang kamay sa bibig. Ano yun? Dumighay ba siya?
"Napano ka? Ok ka lang?" baka kasi mamaya niyan naempatso pala siya diba?
Tumingin lang siya sakin at..
"Ahahahahahaha!!"
Jusko. Malala na talaga to. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanang nakapag asawa ako ng gwapong baliw. Haay!
"Ahahahahaha! Alien!! Ahahahaha! Invasion!! Ahahahaha! Shit! that was- ahahahaha!!!"
Alam ko namang normal ang matuwa kapag makakakita ng alien. Pero itong Alec na to? Nasobrahan sa kaligayahan!
Pinanood ko lang siyang tumawa ng tumawa na parang tanga. Ganyan na yan pagkatapos ng date namin nung isang araw. Lalong lumala. Nag aalala nga ako kasi masyado na siyang obvious at baka makahalata yung ibang tao na may sakit siya sa pag iisip.
Maya maya lang kumalma na siya at tumigil sa pagtawa "Ano Alec? Ok ka na? Sige baka natatawa ka pa itawa mo muna yan" sabi ko sa kanya. Ayoko namang isipin niya na pinagdadamot ko sa kanya ang karapatang tumawa. Bad kaya yun!
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...