Drake's POV
"What!?" I slowly took a seat on the couch habang nagngingitngit na sa galit ang mga kasama ko.
Ilang araw na palang hindi pumapasok si Samantha at ibang secretary ang inabutan namin dito sa office ni Mr. Cordova. Napabalita rin daw ang nangyaring pagsabog sa apartment nito noong isang araw lang.
Kung may nangyaring ganun then why the heck do that shitty Darren didn't tell us anything about it?? Huling beses ko siyang nakita noong sumugod si Mr. Cordova sa bahay ni Michael. Nasaan ba yung gagong 'yon!?
"Eh nasaan si Mr. Cordova? May meeting ba siya??" tanong ni Zach dun sa nangangatog na bagong secretary. Palakad lakad silang lahat at hindi na mapakali. "I-I'm sorry sir.. but I haven't seen M-Mr. Cordova since I stepped my foot here in the company." I immediately threw my gaze up dahil sa sinabi niya. "Hindi siya pumasok ngayong araw?" Grey asked but there's a part of me that already saying- "No sir. Hindi po siya pumasok since my first day and that was three days ago."
Sumalampak ng upo si Gino sa katapat kong couch. "Shit! Ano bang nangyayari at mukhang naglalaro si boss nang hindi tayo-" I shot him a glare bago tumingin dun sa secretary. "Leave us." the moment she walked out of the room, Ed spoke. "We need to do something."
"Yeah. We really do."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay sakto naman ang pagbukas ng pinto at pumasok si Mr. Cordova. He walked straight to his office table and took a seat on his chair. Tumayo naman ako at lumapit sa table niya para magbigay galang kasunod yung iba.
"Mr. Cordova"
"Sir boss"
"Boss"
"Yow boss"
"Bossing"
Hindi kami makatingin ng diretso sa kanya dahil kawalang galang sa nakakataas ang ganun. Maaring nanggaling nga kami sa mayayamang pamilya, but their clan had always been a Mafia dominator ever since their great, great, great ancestors. The boss of European big bosses, our ancestors', grandparents' and parents'. So it is a pleasurable honor to be on a Cordova's side.
Para sa ibang mga taong nakakakilala sa amin ay mga kaibigan or business partners niya kami. To him, we're just his men. But for us.. we are his LOYAL men.
He leaned on his chair before he spoke coldly. "We have a transaction tonight." sabi niya kaya nagkatinginan kami nina Zach, Ed, Grey at Gino. Matagal na siyang hindi humaharap sa mga buyers ah. Ganun na ba siya ka bored? Gusto namin magtanong pero wala ng nagsalita dahil sa pangambang baka mainis si Mr. Cordova.
"Be ready at 8 pm sharp."
--
June's POV
"I smell so freakin' disgusting na June! Can we please hide somewhere na hindi mabaho?? Arghh!" hindi ko pinansin ang reklamo ng babaeng napakaarte na katabi ko ngayon.
Hawak ang binoculars ay nakatanaw ako sa loob ng restaurant kung saan may kausap si Kate na ilang kalalakihan. "Bakit ba hindi nalang tayo lumapit? Madilim dito kaya siguro naman hindi tayo mapapansin." sabi naman ni May kaya tiningnan ko siya ng masama "Eh kung mahuli tayo ng mga bantay niya? Utak nga May, paganahin ah." binalik ko na yung tingin ko sa restaurant.
Tumayo na si Kate at lumabas. Nilapitan siya nung isa niyang bodyguard na sa pagkakatanda ko ay bodyguard niya rin noon kay Mr. Cordova. May binulong 'yon sa kanya na dahilan ng pagbuntong hininga niya. May sinabi siya dun sa lalaki pero mukhang hindi pumayag ito. Meron pa siyang sinabi bago muling naglakad palapit sa isang kotse at sumakay sa backseat.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...