Kate's POV
"What!?" tumingin ako kay Mike na halos maghysterical na habang palakad lakad sa tabi ko. "How the fvck did that happened!?" nilipat ko yung tingin ko sa tauhan niya. Tumingin siya sa akin bago nagsalita.
"Pinatay ng head security ni Miss Katherine si Miss Weston." nanatili lang ako na nakatingin sa kanya na halatang kinakabahan. "He met her several times tapos bigla niyang papatayin!? Kate he's up to something!" galit na sabi sa akin ni Mike habang nakaupo ako sa swivel chair at nilalaro ang hawak kong ballpen. Sa totoo lang, kanina ko pa 'to gustong ngatngatin kaso nahihiya lang ako.
Baka kasi isipin nila puro ballpen ang laman ng tiyan ko 'di ba? Eh hindi naman nila alam meron ding lapis, pambura, barbeque stick, popsicle stick, chop stick, glue stick, stick-o.. Marami ding kuko! At konting buhok! Hehe. Sa tingin ko nga meron ding- "Kate! Are you with me!?" biglang tanong niya habang nakaharap sa akin kaya tinitigan ko siya ng masama. "I-I'm sorry.. I didn't mean to yell at you."
Aba! Dapat lang na magsorry siya! Eh kita na nga niyang nakaupo lang ako sa harap niya tapos tatanungin pa ako kung kasama ko siya?? Siraulo.
Inirapan ko siya saka binalik yung tingin dun sa tauhan niya. "Alam mo ba kung bakit niya pinatay si Miss Weston?" sakto naman na pagkasabi ko no'n ay pumasok si kuya Seth dito sa home office at lumapit sa akin. "She tried to kill you. Kaya pinatay ko siya." sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin. Lumingon ako kay Mike. "He did that to protect me. What's to rant about?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko.
"I can protect you with all my life Kate! My life! You don't need a fvcking bastard to do that!" sabi niya saka tiningnan ng masama si kuya Seth. Humigpit naman yung hawak ko sa ballpen. "Wag kang mag-alala Mike. I'm a Salvador, remember? Kaya ko ang sarili ko." walang gana kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.
Naniwala talaga siyang ako si Salvador?? Eh ako kaya si Kate! May pagka-shunga rin 'to eh. Haay!
Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isa sa mga tauhan ni Mike. Lumapit 'yon sa kanya at may binulong. Nanlaki yung mga mata niya saka napahawak sa gilid ng table at mukhang galit. "Anong problema?" Tumingin lang siya sa akin saka umiling. "Nothing. Nagkaroon lang ng problema sa isang.. maselang operasyon kagabi." Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya. "Hindi mo nabanggit na may naka-set na operation kagabi."
Napalunok siya saka nag iwas ng tingin. "I'm sorry I forgot to tell you. I need to go to check it. Okay?" tumango lang ako saka siya yumuko sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti siya ulit sa akin saka naglakad palabas ng office.
Ano bang klaseng operation 'yon? Heart transplant? Brain surgery? O baka naman operation 'maglalaba' lang nila B1 at B2? Malaking problema nga kung hindi nila mapabula yung sabon ano?? Delikado rin minsan ang mga imported eh.
"Tell the men to be on highly alert." sabi ni kuya Seth sa tauhan na naiwang kasama namin ngayon. Yumuko siya ng konti. "Areglado, boss." humarap naman siya sa akin ng nakangiti at yumuko ulit, pagkatapos ay lumabas na ng office.
Nang tumingin uli ako kay kuya Seth ay nakita kong parang galit siya habang nakatingin sa akin. "Salvador huh? What a joke." napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ang galing mo talaga kuya! Siyempre joke lang talaga 'yon. I'm a Weston, 'di ba? Hehe" unti-unti na siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.
"And you will always be."
-----Flashback-----
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...