Zach’s POV--Flashback--
*Bang! Bang! Bang!*
Kinuwelyuhan ko yung isang lalaking nakadapa sa sahig at nakatakip yung mga braso niya sa ulo. “Hoy gago! Ano yan? Earthquake drill??”
“Ikaw ang gago! Naniniguro lang! Ikaw kaya paulanan ng bala??” at sumasagot pa talaga siya!
“Nasaan si Mrs. Cordova?” tanong ko habang nakatutok sa ulo niya yung baril na hawak ko.
“Bakit ko naman sasabihin sa‘yo? Ililigtas niyo siya? Dapat lang sa kanyang mamatay para--”
*Bang!*
“Ang dami mong satsat” binitawan ko siya at nanghila ng lalaking nagtatago sa isang gilid “Nasaan si Mrs. Cordova? Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo!”
“N-Nandoon siya sa likod! S-Sa dulong pinto! Nandun siya maniwala ka sakin! Wag mo akong papatayin!”
“Salamat”
*Bang!*
“Pasensya ka. Shoot to kill ang order samin.” sabi ko saka lumapit kay boss na nakatingin sa isang lalaking nakaluhod “Sa dulo boss, huling pinto”
Walang emosyon yung mukha ni boss at kinikilabutan talaga ako sa ganyang aura niya.
Naglakad na si boss at hinila ni Ed patayo yung lalaking nakaluhod. “Alam mo, kapag may nakitang ni katiting na sugat si Mr. Cordova sa katawan ng asawa niya.. literal mong malalasap ang impiyerno sa mga kamay niya” sabi ni Ed.
“Dude, wag mo namang takutin. Hayaan mong masorpresa siya.” sabi naman ni Grey na nakangisi sa tabi ko.
Sumunod na kami boss at halos matulala ako sa nakita kong itsura ni Ma’am Kate.
Puno ng dugo yung mukha niya habang nakahiga at nakagapos ang mga kamay at paa. Nakapikit siya at putok ang isang kilay pero mukhang buhay pa naman. Napatingin ako kina Darren at sa iba pa. Mga naka-nganga at nanlaki ang mga mata.
Dahan-dahan ko namang inilipat yung tingin ko kay boss. Ewan ko. Pero kinikilabutan talaga ako kapag tinitingnan ko siya ngayon. Dahil maski ako natatakot na sa presensiya niya.
May nakita naman akong lalaki na nakatayo sa gilid ni Ma’am Kate. Sabog ang taong ‘to. Lulong sa droga amp*ta!
“Haha! Alexander the Great! Ahahaha! *sniff* Are you enjoying the view?? I made that *sniff*” iminuwestra pa niya yung kamay niya kay Ma’am Kate “She can’t move a muscle eh? Sadly she’s not yet dead *sniff*” idinikit niya yung dulo ng baril niya sa sentido ni Ma’am Kate “But.. She will be.”
Holy Shit!!
*Bang!*
Bumulagta yung lalaki sa sahig at may tama ng bala sa ulo. Napatingin ako kay boss na may hawak na baril at inilipat niya yun sa ibang direksiyon. Sa lalaking nakaluhod sa tabi niya.
*Bang! Bang! Bang!*
Pinaulanan niya ng bala sa ulo yung lalaki. Halos masuka ako sa nakita kong itsura nun kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
Baril pa lang ang hawak niyan ni boss. Wala pang bakbakan. Kahit nga walang armas yan, ni suntok hindi ka makakaisa sa kanya.
I would know. We’re the best fighters in asia. Trained by the best legendary fighters and loyal assassins of Cordova Clan.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...