Chapter 10: Avoid

66.3K 1.8K 91
                                    

—-Edward Allard's photo there—-





Edward's POV



*Crash!!*



*Bugsh!!*



*Blag!!*





"Ano bang nangyayari?"



"Aba malay ko!"



"Tangina Gino itanong mo nga!"



"Tarantado! Ayoko pang mamatay!"



"Hoy Zach! Silipin mo nga!"



"Pre mahal ko pa buhay ko. Ikaw nalang."



"Tarantado mga duwag!"



Hindi namin alam kung ano na bang nangyayari. Mukha kaming mga totoy na takot magpakita sa ama.

Sino ba namang hindi matatakot eh may nagwawala ng demonyo sa sala!? Pambihira!

Simula nang dumating si boss ay nagmistulang under state of calamity itong hideout. Mga mamahaling vases, furniture at pati paintings! Di niya pinatawad! Halos lahat sira! Buti na nga lang at nakatakbo kami dito sa kusina nung nag umpisa siya manira ng kung anu ano.



"Tangina pag di yan nakuntento baka pasabugin niya itong buong bahay!"



"Edi tara na! Umalis na tayo bago pa sumabog mga laman loob natin!"



"Magpapalit na tayo ng hideout."



"Oo tama."



"Kanya naman to eh. Hayaan na natin."











*Silence*











"Oh dude baka tapos na si boss."



"Ed! Silipin mo nga."



"Sa lahat ng mga duwag, kayo ang pinaka tarantado."



"Salamat dude"



"Alam na yan ng lola ko."



"Nasabi ko na rin yan sa tatay ko."



"Naitext ko na yan sa pinsan ko."



Napailing nalang ako sa katarantaduhan ng mga lokong to. Lumabas nalang ako ng kusina para sumilip sa sala.



"Mga gago wala na si boss!"



"Saan nagpunta yun?"



"Baka napagod na kaya umuwi."



"Baka nga."



—-



Umalis na ako ng hideout at pumunta sa Racer's. Iyon ay lugar kung saan nagtitipon ang mga nangangarera. Ng ilegal. Dahil wala pa namang pinapatrabaho si boss ay magliliwaliw muna ako.



To tell you honestly, ito ang bisyo ko. Di naman ako katulad ng hayup na si Drake na kung sino ang inaano. Magkasakit pa ako niyan, mahirap na.



Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon