Chapter 49: Escape

52.4K 1K 26
                                    

Darren's POV

Pasulyap-sulyap ako sa babaeng katapat ko habang nag a-assemble ako ng baril. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin dahil sa mood niya ngayon na galit na galit.

"Sammy.." tawag ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin.

May diin ang bawat paglagay niya ng bala sa magazine na hawak niya at talagang nakasimangot pa siya. Nang matapos siya ay padabog siyang tumayo at sinuksok ang tatlong magazine sa likod ng jeans niya. Naglakad siya papunta sa kusina.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at sumunod sa kanya. May hawak siyang baso ng tubig na parang mas marami pa yata ang yelo kesa sa nakalagay na tubig. Tumayo ako sa harapan niya bago nagsalita. "Sammy sorry na.. Inutos lang naman sa akin yun ni Miss Kate eh." sabi ko. Yun naman talaga ang totoo. Inutusan lang ako.

Tiningnan naman niya ako ng pagkatalim-talim. "Eh bakit hindi ka tumanggi!? Ha aber!??" sikmat niya na halos makapagpatalon sa akin. Shit! "Sammy sinubukan ko naman.. kaya lang kung nandun ka at nakita mo ang makapanindig balahibong tingin ni boss sa akin ay mapapa-oo ka rin." lumapit ako sa kanya at hinawakan yung free hand niya. "Sorry na please? Hindi naman kita pinabayaan eh. 'Di ba dinala naman kita agad sa safe house ko?" medyo lumambot naman yung expression ng mukha niya. Konti nalang magbabati na kami!

"Oo nga. At iniwan mo akong kasama ang mga taong mukhang sanggano at takas sa bilibid!" Sagot niya. Natawa naman ako. Ilang beses ding nagreklamo ang mga 'yon dahil sa ilang ulit niyang pagtangkang tumakas. Buti nalang talaga at hindi basta-bastang sanggano yung mga 'yon. Mukha lang. "Sammy mas mura kasi sila kaya sila ang kinuha ko." Okay. Nagsinungaling ako. Kailan pa naging mura ang apat na milyon para sa dalawampung katao para maging bantay sa loob ng tatlong araw??

"Siraulo!" sigaw niya saka bumalik sa sala at umupo sa sofa. Kalmado na yung itsura niya kaya siguro naman bati na kami. Tumabi ako sa kanya at hinawakan yung isang kamay niya. "Bati na tayo?" siyempre maninigurado muna ako. Ayoko naman na bigla nalang lumipad yung kamao niya papunta sa mukha ko. Hindi siya lumingon sa'kin pero sumagot naman siya. "Oo na. Pero kapag naulit pa ang ganun, sinasabi ko talaga sa'yong unggoy ka. Sisipain kita pabalik sa gubat!"

Napangiti ako. Buti nalang talaga pumayag si boss na isama si Sammy ngayon. Dahil kasi sa sobrang busy ko sa pagsunod sa utos ni boss at sa kuya ni Miss Kate ay hindi na ako nakapag sorry sa kanya ng maayos.

Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya saka ko siya pinaharap sa akin. "Seryoso?" tumingin nanaman siya ng masama sa'kin sabay irap. "Wag mo akong kulitin baka magbago ang isip ko." sus! If I know gusto lang naman niya na nilalambing ko siya!

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon