Darren's POV
*CONTINUATION*
Nandito ako ngayon sa playground at nagbabantay kay Miss Katherine. Pinauna akong pumunta ni boss dito dahil sinama nanaman siya sa isang meeting ng tatay niya tungkol sa mafia. Unang linggo palang ng buwan ay pangalawang meeting na 'to.
Ano bang meron at mukhang may pinaghahandaan silang malaking bagay?
"Matagal pa ba si Alec?" napalingon ako kay Miss Katherine na nakaupo na pala sa tabi ko. Halatang naiinip na siya habang nakatanaw sa mga batang nagpapadulas. "Maglaro ka lang Miss Katherine. Darating na yun si boss mamaya."
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado sa mga nakikita kong kilos ni boss kapag kasama si Miss Katherine. Baka kasi mali ako hindi ba? Bakit naman si Michael hindi nagbibigay ng opinyon tungkol sa kilos ng kaibigan niya? Ibig sabihin hindi ganun ang pakahulugan niya sa nangyayari.
Lumingon sa akin si Miss Katherine na nakakunot na yung noo "Nagtataka lang talaga ako.. Bakit ba boss ang tawag mo kay Alec? Sabihin mo.. may 'boss' ba sa birth certificate niya?" bakit ba masyado siyang matanong? Pansin ko na kahit mga simpleng bagay ay nagiging kuwestunable sa kanya.
"Ahh.. ehh.. uhmm.." nagulat ako nung bigla siyang humiyaw. "Mali mali! Pagkatapos ng eehh.. iihh muna tapos oohh saka uuhh, hindi uhmm." hindi ko napigilan yung tawa ko nang matitigan ko yung itsura niya. Para kasi siyang teacher na naiinis dahil hindi na gets ng estudyante. "Wag ka ngang tumawa! *pout*" agad akong tumigil sa pagtawa. Hindi dahil sinabi niya, kundi dahil sa kakaibang presensiya na nararamdaman ko sa paligid.
Pasimple kong inilibot yung paningin ko. Nakakaramdam ako ng panganib. Ang kakaiba nga lang ay hindi ko maramdaman na para kay Miss Katherine yung panganib. Para sa akin.
"Alam mo, ang weird minsan nun ni Alec.. ay hindi, madalas pala! Hehe" napatingin ako kay Miss Katherine na nakatingin na sa akin. "Paano naman po siya naging weird?" saglit siyang nag-isip tapos biglang sumimangot "Kasi parang habang tumatagal lalong lumalala yung sakit niya. Madalas ko siyang makitang nakangiti sa'kin kahit na 'di naman ako nagjojoke. Tapos alam mo, kung saan-saan din siya tumitingin! Sa puno, aso, panyo, tinidor.. tapos 'yon yung kakausapin niya!" lumapit siya sa'kin saka bumulong. "Secret lang natin 'to ah.. pero feeling ko talaga baliw 'yon si Alec."
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...