June's POV
"Hoy! May! Gising!! Bumangon ka na nga may pasok pa tayo!" tinapik tapik ko yung braso ni May na nakatakip sa mukha niya.
"Mmmm.. Mamaya na.." umikot pa siya at dumapa. Aba't!
Niyugyog ko yung likod niya, wala pa rin. Kinuha ko yung isang unan at inihampas ng malakas sa pwet niya. "Ahh! Shit! Masakit yun!" angal niya na nakahawak sa pwet niya.
"Alam ko. Gusto mo ulitin ko para mawala antok mo?" akmang hahampasin ko siya uli nung bumalikwas siya ng bangon. "Oo na! Ito na nga gising na! Tsk"
"Dalian mo. Nakahanda na almusal." sabi ko saka lumabas ng kwarto niya. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni April pero iiikot ko palang yung doorknob bigla ng bumukas yung pinto.
"Good morning June! I'm awake na!" sabi niya na halatang kakabangon lang sa kama dahil magulo pa yung buhok. Mabuti naman di na niya ako pinahirapan. Last time kasi inihulog ko siya sa kama niya dahil ayaw niyang bumangon.
"Dalian mo lalamig na yung pagkain sa baba." saka ako naglakad papuntang hagdan.
Mukha tuloy akong ulirang ina sa pag aalaga dito sa dalawang gaga na to. Ako tagalinis sila tagakalat. Di naman maasahan sa gawaing bahay dahil yung isa maarte, yung isa naman ayaw mapagod. Diba?? Ang saya lang nilang kasama sa bahay.
—-
"Waaaah! April! May! June! July! August! September! Octo— Aww! huhuhu June naman eh!" isa rin tong gaga eh. Idamay ba naman lahat ng month? Tsk.
"Bakit di ka pumasok kahapon tsaka nung nakaraan? Hindi ka man lang nagtext!" nagtaka kami kasi di naman niya ugaling umabsent sa school.
"Halaa! Pumasok kaya ako!" nanlaki pa yung mata niya na parang may mali kaming nagawa.
"Huh? But we haven't seen you yesterday."
"Pumasok nga ako." sabi ni Kate na parang wala lang.
"Saan kaba kasi pumasok ha babae??" tanong ni May na halatang asar na.
"Sa building ng CGC, tapos pumasok ako sa elevator tapos lumabas din naman saka ako pumasok sa office ni Alec. Nung naramdaman kong naiihi ako, pumasok naman ako sa restroom para—oh baket?" bwisit na babae to! Di nalang sabihing pumasok siya sa opisina ng asawa niya! Ang dami pang pagpasok ang sinabi!
"Wala. Gusto lang kasi naming pukpukin yung malaking lamok na humihigop sa laman ng utak mo." sabi ni May na masama rin ang tingin kay Kate tulad namin.
"Huh?" tinitigan niya muna kami ng maigi bago nanlaki ang mga mata niya. Pffft. "Waaaaah!! Alisin niyooo! waaah! huhuhu! Aaahhh!!" nagtatatakbo siya paikot ikot habang ginugulo yung buhok niya.
"Ahahahaha!"
"Gosh! Hahahaha!"
"Ang—ang panget! Ahahaha!"
Mukha siyang si Sisa! Ahahaha!
"Miss Cordova! What are you doing!?"
Lagot.
—-
Kate's POV
"Wag niyong ubusin yung fries ko! huhu." kanina pa sila kain ng kain sa fries ko ayan tuloy! Malapit ng maubos!
Nandito kami ngayon sa mall dahil nag aya si April magtingin tingin ng damit. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sila bumili samantalang ang usapan titingin lang. Ang gulo talaga nila kausap.

BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...