Chapter 47: Game Plan (part II)

41.7K 1K 89
                                    

Seth's POV

Tumayo ako at napakunot yung noo ko nang mapansin ko yung suot ni Dianne. Naka red dress siya na masyadong maikli at hapit sa katawan niya. Makapal rin ang makeup niya at masyadong mataas ang takong ng sapatos na suot niya.

"Ano yan??" pabulong na tanong ko sa kanya habang nakatingin ng masama sa suot niya. "Damit" walang kagatol-gatol niyang sagot habang nagtataka na nakatingin sa akin.

"Dianne.. Alam kong damit yan. Bakit ganyan ang suot mo?" nakita kong hindi nagbago yung itsura ng mukha niya na mukhang nagdududa pa. "Kasi sabi ni Mike ito raw ang isuot ko." lalong sumama ang mood ko nang banggitin niya yung pangalan ng hayop na 'yon.

"Kate!"

Sabay kaming napalingon sa hagdan nang makarinig kami ng boses ng isang baliw. Naglakad siya palapit kay Dianne at mabilis na hinalikan sa pisngi. "You look gorgeous." sabi niya habang malagkit ang mga titig sa kapatid ko.

Hindi naman sumagot ni ngumiti si Dianne at dumiretso na ng lakad palabas. Nakasunod sa kanya yung baliw na kataka-takang hindi ako pinansin ngayon. Nahinto ako sa paglalakad nang may napansin ako sa likod ni Mike.

Hinintay ko silang makapasok sa itim na limousine at nang akmang sasakay na ako sa kotse ko ay tumunog yung cellphone ko. "Yes?"

[Your plan didn't work out Elliott. You need to get Katherine out of there. Salvador is planting something!]

Agad akong napalingon sa papalayong limousine at ngumisi kahit na hindi ako nakikita ng kausap ko. "That's ok. We always have a bigger plan."

[What??]

Pinatay ko na ang tawag at natira ang line na nakakonekta rin sa tawag na natanggap ko. "You heard that? It's your turn now Cordova. Make sure to play the game wisely."

––––

Gino's POV

Inayos ko ang suot kong tuxedo nang makababa ako ng kotse. Nakita ko yung mga chikabebe na nakatingin sa'kin at dahil nagsisikap akong maging mabait ay 'di ko na pinansin.

"Ang gwapo ko talaga." Bulong ko habang inaayos yung buhok kong pinahiran ko ng mamahaling wax. Ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Zach sa tabi ko. "Yang kagaguhan mo nga dude ibulsa mo. Nakakahiya." Sabi niya saka lumayo sa'kin. Sinimangutan ko siya. "Pakyu" sabi ko saka sumunod sa kanya at lumapit sa isang super cool na Silver Lexus na nakaparada sa first spot sa tapat ng hotel.

Mula doon ay lumabas ang aming.. Ehem! Bossing na siyempre ay napakagwapo sa suot niyang grey tuxedo. Nakatingin ang lahat ng mga nagdadatingan na bisita si direksiyon namin. Oo na gwapo siya. Ako pa ba magkakamali pumili ng boss? Siyempre dun na ako sa ka-level ko sa kagwapuhan!

Feeling ko tuloy lalong nakadagdag sa kagwapuhan ko yung pagrampa namin dito ngayon. Mukha kaming mga supermodels na pinagtitinginan ng mga tao ngayon. Syet! Pasalamat talaga 'tong mga kasama ko sa taglay kong kagwapuhan. Kung hindi ay 'di nila mararanasan ang maging sikat ngayong gabi!

Pumasok kami sa loob ng grand hall na maraming makukulay na mga ilaw. Kitang-kita na mga big time ang lahat ng invited dito dahil sa mga magagarang suot at aura ng mga tao dito.

Maraming lumingon sa direksiyon namin at nang umugong ang bulungan na nandito na si bossing ay tumahimik ang karamihan. Yung iba hindi malaman kung babati ba o iiwas nalang. May mga ilan na naglakas-loob na bumati para hindi mapag-initan ni bossing. May mga business partners din si bossing na invited at mga investors na nagwithdraw na kaya hindi makalapit.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon